CHAPTER 7

94 15 157
                                    


CHAPTER 7



May multo pa rin ng ngiti sa kaniyang mga labi. I suddenly felt a tingling sensation inside my stomach. Mas gwapo pala siya kapag nakangiti... Lalo na ang pagkislap ng malalim niyang mga mata.

Tumikhim ako. “You just stole my first kiss, boss.” kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.

Sumunod ang tingin niya roon bago siya napalunok.

“Yeah?” napapaos niyang sagot.

Lalapit na sana siya uli sa akin ng bigla namang bumukas ang pintuan. Mabilis akong umurong palayo sa kaniya. Saglit niya akong tiningnan bago kami sabay na napalingon sa babaeng kapapasok lang.

“Hello, sweetheart! How are you?” It was Nova.

Umupo ako sa sofa at pinaglaruan na lang ang bag habang nakasunod ang tingin sakanila.

Lumapit sakaniya si Nova at hinalikan siya sa labi. Kumunot ang noo ko at bahagyang iniwas ang tingin sakanila.

“I missed your tongue, sweetheart....” rinig kong bulong sakaniya ni Nova.

“Come on! What’s with that face? Don’t you miss me–”

“Yes. I don’t.” he answered coldly.

“Why, sweetheart? What did i do–”

“Stop asking me, Nova. You know exactly the reason why. I don’t do shits with somebody twice. Now leave!”

Namuo ang luha sa mga mata ni Nova, umawang ang bibig niya ngunit wala namang salita na lumabas mula roon. Sa huli ay tumakbo siya palabas ng opisina.

Bumaling ako kay Atticus nang sumara na ang pintuan.

“I want to do my works at Gelo’s office,” sabi ko.

Hinagod niya ng tingin ang buo kong katawan bago umangat ang tingin niya sa akin. “What?”

Umangat ang kilay ko. “Sana kasi hindi malikot ang mata para naiintindihan ako, ‘di ba?”

Kumunot lang ang noo niya. Umiling ako bago muling inulit ang sinabi. “I said i want to do my works at Gelo’s office, boss.”

“Who said that you are allowed to do that?”

“Am I not allowed to do that, boss? I mean, what’s the matter? It’s not that I can’t finished my works if I’m with Gelo? Right?”

“Are you questioning me?” sinandal niya ang likod sa lamesa.

“No, boss...”

“Good. Just do your works here. You are not allowed to do that in another office. Are we clear with that, Ms. Secretary?”

“Eh paano kung ayaw ko nga rito? Kasi ang boring! Tapos tarantado pa ang amo, nanghahalik pa bigla-bigla! Tapos bigla namang may papasok na babae para halikan rin siya. Mabuti pa roon sa opisina ni Gelo, masaya, hindi nakakabagot at hindi nakakainis–”

“Are we clear?” mariin niyang sinabi.

“At hindi rin nakakabwisit. Mas gusto ko pang titigan ang alak na pinainom sa akin ni Gelo kaysa magtagal pa rito–”

“Are you testing my patience? Do you really wanna work with Gelo?”

I nodded at him. “Yes....”

Lumamig ang tingin niya sa akin. “Then go.”

Natahimik ako bago marahang tumango. “Okay....” kalmado kong sinabi. Hindi inaasahan ang biglaan niyang pag-payag.

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Where stories live. Discover now