CHAPTER 11

182 6 124
                                    


CHAPTER 11



Napailing na lang ako habang pinapanood sina Killian na hinihingal pa dahil sa ginawa nila. Nakaupo na sila ngayon sa sofa. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa pagkabigla kanina at parang ang sarap manapak ngayon.

“What do you expect? I mean he’s Don Victorious, after all....” dinig kong bulong ng isa sa mga bodyguard ni Don. Tumingin ako sakanila at nakita kong lumayo na sila para yata magbulungan pa ulit.

“Yeah... Her name is Raelyn, Papa.” bumalik ang tingin ko kina Killian at nakita kong nasa akin na ang kanilang atensyon.

Kumunot ang noo ko. Ngumiti naman sa akin si Don Victorious. Kinindatan ako ni Killian at sinenyasan niya akong lumapit. Umirap ako at sinunod na lang siya.

“What’s your name again, hija?” Don Victorious Saldivar asked me.

“Raelyn po, Senyor...”

Tinitigan niya ako. “Raelyn? Raelyn... Atienza?”

My eyes widened a bit. “Opo! Kilala niyo po ako?”

Hindi siya sumagot at ngumiti na lang. Sinenyasan niya si Killian na sumunod sakanya at iniwan na nila kami roon.

Kumunot ang noo ko. Kumaway naman sa akin si Killian bago siya sumunod sakanyang ama. Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod na lang din kina Lucy na ngayon ay patungo na sa taas. Kumuha ako ng mga pang-linis bago ako dumiretso sa unang opisina na lilinisan ko.

As usual, wala na namang tao sa opisina ni Khalid. Nakabukas ang aircon pero wala namang tao. Umiling na lang ako at saglit na nag-walis do’n. Wala naman masyadong kalat sa opisina na ito dahil madalas walang tao. Sinunod ko ang opisina ni Thaddeus at naabutan ko siya do’n. Tulog. Lumabas ako at dumiretso na sa opisina ni Rhys. I saw him busy typing on his laptop. Nakaawang ang kanyang mga labi at mukhang seryoso sakanyang ginagawa.

As expected, madilim na naman ang opisina niya. Halos wala na nga akong makita.

Pinunasan ko na lang ang mga bintana at inayos ang mga unan sa couch.

“Ge out. You are distracting me.” pagtataboy niya sa akin. Tumango ako kahit mukhang wala naman siyang pakealam.

Lumabas na ako ng silid at bumuntong hininga. Opisina na naman ni Atticus! Dumiretso ako ng pasok do’n at nagsimula na agad walisan ang sahig. Kumunot ang noo ko ng makita na ang dumi-dumi ng kanyang opisina! Halos maputik na ang sahig at gulo-gulo ang mga papeles sa lamesa. Mukhang hindi naman siya busy dahil wala pa nga siyang pang-itaas na damit ngayon! Bakit ganito kadumi ang opisina niya?

I glared at him.

“What?” ngumuso siya at inosente akong tiningnan. Bumaba ang tingin ko sa hubad niyang katawan bago ako napalunok.

“Bakit ganito kadumi rito?” tinuro ko ang sahig at pinanlakihan siya ng mata.

“Ewan...” Inosente niya akong nginitian. Umiwas ako ng tingin at nagwalis na lang. Nakakainis. Nakakainis siya!

“I said I don’t know...” pagpapapansin niya pa. Tumango ako para manahimik na siya.

“Oh!” he gasped exaggeratedly when he stripped on the water near him. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya na nabasa din. Punyeta! Saan ba galing ang tubig na iyan! Mukhang wala naman iyan kanina!

“Ouch....” hinilot niya ang likod bago pinikit ang kanyang mga mata.

Naiinis ko siyang nilapitan. “Ano ba kasing ginagawa mo, Sir? Parang tanga lang ah...” binulong ko ang huling salita.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 08, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora