CHAPTER 8

104 14 330
                                    


CHAPTER 8



I woke up feeling empty. Halos hindi ko nga maramdaman ang sarili dahil sa pamamanhid ng buo kong katawan. Dala-dala ko ang mga litrato ni Mama na nakuha ko sa lumang photo album kagabi.

Lumabas na ako ng milk tea shop at sinara iyon. Gaya ng nakasanayan, lumakad lang ako pauwi, wala pa rin gana. Lumakad ulit papunta sa kumpanya pagkatapos makapagpalit ng damit sa bahay.

Tahimik akong pumasok sa loob ng opisina, halos muntik pang mapatalon ng marinig ang pag-sigaw ni boss. He shouted at the girl who’s now standing in front of him, nanginginig sa takot.

Lumapit ako sakanila. Parang bumalik ang mga emosyon ko na nawala simula pa kanina.

Nilayo ko ang babae nang tangkain niya pang iabot ulit kay boss ang mga papeles na hawak.

“B-boss, I’m sorry! I had a family problem that’s why i didn’t finished my work properly....” she cried.

“I don’t care about your reasons! You are working for me and you know you should do this right! You are fucking fired!” his voice thundered.

I shivered. Ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si boss at parang hindi ako makagalaw. Kung hindi ko lang narinig ang paghikbi ng babae ay baka parehas na kaming nanginginig sa takot ngayon.

I looked at the girl. Siya ‘yong nag-sabi na mukhang madumi ang bag ko.

Hinila ko siya palabas ng opisina.

“Ano ba kasi ginawa mo? Bakit nagalit ng ganon si boss?” tanong ko.

“I- I didn’t do my works correctly! Akala ko kasi ayos lang dahil balita ko noong nakaraan, puro palpak ka rin naman! Akala ko palalampasin niya rin ang akin!” sigaw niya.

Sandali akong natigilan. Medyo guilty dahil tama siya, puro palpak ang tabaho ko nitong mga nakaraan. Pero may rason ako! Nag-aadjust pa rin kasi ako sa trabaho dahil hindi pa naman ako ganon katagal dito. Unlike her.

“Sino ka ba kasi? Pati si Gelo nilalandi mo!” bigla niyang paratang sa akin.

“Anong sinabi mo?”

“Malandi ka! Kaya siguro hindi na tinuloy ni Gelo ang panliligaw niya sa’kin dahil nilandi mo siya! Doon ka pa talaga sa opisina niya tuwing gabi! Anong akala mo? Makukuha mo siya sa akin ng ganon? Pati si boss ay nilalandi mo pa!”

Pinigilan ko ang sarili kong sampalin siya. Alam niya ba ang sinasabi niya? Nilandi? Hindi nga ako marunong non! Sa resume lang ako maraming experience, hindi sa lalaki!

I glared at her.

“Wala akong nilandi o nilalandi, huwag mo akong paratangan basta-basta. Hindi mo naman ako kilala.” malamig kong sabi bago siya talikuran.

Papasok na sana ako ulit sa loob ng opisina nang bigla niyang hatakin ang buhok ko. Napaigtad ako sa gulat kaya hindi agad ako nakabawi.

Nag-sigawan ang mga tao sa paligid namin na kanina pa pala nanonood. Ginawa ko ang lahat para lang makawala sa hawak niya pero ayaw niya talaga akong pakawalan. Halos kaladkadin niya na ako palabas ng building pero bigla siyang tumalsik dahil sa paghawi ng kung sino sakaniya.

“Rae, are you okay? Do you hear me?” boses ni Lucian ang narinig ko. “Fuck! Security!”

Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid.

Pumikit ako bago kinurap-kurap ang mga mata. “A-ayos lang ako...”

“Tang ina! Sino ba kasing nag-papasok sa baliw na ‘yan? Ilabas niyo nga ‘yan dito!” sigaw ni Lucian. Binuhat niya ako habang pinapagalitan pa rin ang mga guard.

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Where stories live. Discover now