CHAPTER 4

124 16 116
                                    


CHAPTER 4




Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay naiinis pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakakainis talaga. Lalo na ng makita ko si Auntie Melanie na nakalahad na naman ang kamay sa harapan ko.

“Pera, Raelyn? Wala? Ano ba naman ‘yan!”

“Sa susunod na linggo pa, Auntie.” kalmado kong sagot.

“Ano? Nasaan ang sahod mo ngayong linggo?” pinanlakihan niya ako ng mata.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Ate Sadie sa lamesa ng kusina. May hawak siyang isang lumang photo album habang namumutla siyang nakatingin do’n.

Agad niya ‘yong sinara ng makita ako.

Hindi ko siya pinansin at nagsalin na lang ako ng tubig sa baso. Nandito na naman siya. Dagdag na naman siya sa sakit ng ulo ko. Dalawang bagay lang kasi iyan. Kung hindi siya umuwi rito para magpabigat, mag-aaway naman silang dalawa ni Auntie. Mukhang wala na naman kasi siyang inuwing pera pero grabe ang makeup niya sa mukha. Akala mo ay sasali sa JS prom.

Napangiwi ako.

“Bakit mo hawak ‘yan?” dinig kong bulong ni Auntie sakaniya.

Napatingin ako sakanila. Bahagyang hinila ni Auntie ang buhok ni ate sabay turo sa photo album. Napatingin tuloy ako do’n. Kulay dark green iyon at makapal. Mukhang maraming laman na mga pictures.

Lumapit ako para sana tingnan iyon pero agad ‘yong hinablot ni Auntie palayo sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin. Napakunot ang noo ko. Ano bang laman niyan at parang ipinagdadamot niya pa? Parang simpleng photo album lang?

Tumalikod na lang ako at nagtungo na sa kwarto. Edi huwag. Wala akong oras para makipag-agawan sa photo album na ‘yan.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag. Agad kong sinagot iyon kahit na hindi ko alam kung sino ang caller. I’m still pissed.

“Hello, Rae!” si Tasha ang bumungad sa akin. I smiled at the wind.

“Have you heard about the news? Kasama ka sa event na gaganapin this Saturday! Magkikita tayo roon kasi isasama rin ako ni uncle!”

Kumunot ang noo ko sa kawalan. “Ha?”

“Anong ha? Kita tayo tomorrow sa mall! Bibilhan kita ng gown and shoes!”

Napatanga ako. Ano raw? Gown? Shoes? Bakit?

“Bukas na lang Rae, ha? Babye!” pagkatapos ay namatay na ang tawag.

Napatingin ako sa screen ng cellphone. Huh? What happened?

Nagkibit-balikat na lang ako. Nagtungo ako sa banyo para maligo na at magpalit ng pantulog. Biyernes na bukas, wala na kaming pasok. Kapag ganon, rumaraket ako paminsan para pandagdag baon. Pero ngayon, mukhang hindi ko magagawa dahil sa sinabi ni Tasha.

Tumulala ako saglit ng magising kinabukasan. Pinoproseso ko pa ang mga bagay-bagay. Iniisip kung anong pwede kong magawa para mabuhay ang araw ko.

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang notification. Text message iyon galing kay Tasha.

Tasha :

Good morning, Rae! Otw na me sa mall. Sa Elle’s boutique kita i-wait. See ya!

Napabangon ako bigla. Ano ba naman ‘yan! Walang oras para tumulala man lang saglit? Agh!

Naligo na ako at nagbihis. Pinili kong suotin ang simpleng oversized t-shirt na violet at isang highwaist shorts. Wala naman kasi akong pamporma at mas komportable ako sa ganitong suot sa tuwing normal na araw.

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Where stories live. Discover now