CHAPTER 2

123 19 138
                                    


CHAPTER 2



Pagkatapos ng klase, sa wakas, nawala na rin sa paningin ko si Killian Saldivar. Akala ko nga ay wala siyang balak tantanan ako pero tumigil naman siya no'ng uwian na. Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Naweweirduhan ako sa kaniya. Umaasta siyang normal na tao lang kahit anak naman talaga siya ng isang bilyonaryo.

I mean... Hindi ko sinasabing dapat siyang maghari-harian, kaso mukhang wala man lang siyang kaunting hiya sa katawan.

At isa pa, bakit ba siya nag-aaral sa Grimrose University? Hindi naman siya mahirap... Kagaya ko, ah?

"Isang salted caramel nga po! Iyong large... Isa lang po!" biglang pagsulpot ng batang lalaki sa harapan ko. He smiled at me cutely. Nakataas pa ang isa niyang daliri at nakaturo sa flavor na gusto niya.

I smiled at him, too... Ang cute.

Tinimpla ko ang order niya bago tinanggap ang bayad at inabot sakaniya ang sukli kasama ang milk tea. Nagpasalamat ang bata at tumakbo na palapit sa mga kalaro niya. Napangiti ako. Hindi ko naranasan ang ganiyan. Masaya akong makakita ng mga batang kalmado at malayang naglalaro sa labas. Sana naranasan ko rin ang mga ganiyang bagay noon.

Ang kaso nga lang... Hindi.

"Sige na, Rae, ako na ang bahala rito." si Sam na nasa likuran ko na pala. Siya ang may-ari ng shop na ito.

He's wearing our uniform. Bigla siyang ngumiti ng makitang nakatitig ako sakaniya. Nahihiya akong nagbaba ng tingin. I didn't mean to stare at him like that. It's just that... Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot.

Hinubad ko na ang cap na suot. We always wear this cap while working. Palagi nga akong natutuwa sa disenyo ng cap na 'to lalo na sa pangalan ng shop na nakasulat sa gitna.

SamTEAng.

"Sipag talaga natin." komento ni Sam habang pinagmamasdan akong magligpit ng gamit.

Sinukbit ko na ang bag ko bago ngumiti sakaniya at kumaway.

"Naman! Kailangan, eh! Alis na ako! Salamat, Sam!" paalam ko bago nakangiting lumabas ng shop.

Agad na akong naligo at nagbihis ng makauwi sa bahay. Simpleng grey tank top lang ang sinuot ko na pinatungan ko na lang ng luma, ngunit malinis na blazer. Mini-skirt naman sa pambaba na tinernohan ko ng black sandals. Hinayaan ko munang nakalugay ang mahaba kong buhok. Mamaya ko na lang itatali sa opisina para hindi ako malate. Wala rin akong suot na make-up dahil wala naman akong ganon. Hindi naman nakakabawas sa ganda ko kung wala ako non. Mas maganda na ang simple, pero disente. 'Di ba?

Lumabas na ako ng bahay. Suot ko ang bag na tinahi ni Killian Saldivar kanina. I smiled. Kung hindi dahil sa kaniya, wala akong magagamit ngayon. Thanks to that weirdo.

My smile suddenly faded when i get inside the building. Sumalubong sa akin ang mapanghusgang tingin ng mga tao sa loob. Parang sinusuri nila ang bag na dala ko... At ang suot kong blazer.

Nagbaba ako ng tingin. Halata bang puro luma?

"Look at that bag... It looks dirty, right?"

Napaangat ako ng tingin sa babaeng nagsalita. Nandidiri niyang tinuro ang bag ko. She even rolled her eyes at me.

Ngumiti na lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala naman kasing mangyayari kung papatulan ko pa siya. At isa pa... Tama naman siya. Madumi ang bag ko. Luma na nga, madumi pa.

I know that. There's no need to sleep it on my face.

Bumalik ang totoo kong ngiti ng makapasok na sa loob ng office.

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Where stories live. Discover now