CHAPTER 6

104 15 108
                                    



CHAPTER 6



I haven’t seen Atticus for a week now. Sinabi niya na mawawala siya ng isang linggo o higit pa. Now I’m all alone here inside his office.

And believe me, it was so boring as hell.

Kumunot ang noo ko habang nililibot ang paningin sa buong opisina.

Masyadong plain at boring ang opisinang ‘to. Magdikit kaya ako ng kung ano-ano rito? Hindi pa naman siguro babalik si boss ngayong linggo?

Napatango-tango ako bago sinara ang drawer. Right! Tapos ko naman na ang trabaho ko ngayong araw. May apat na oras pa ako para makapagpahinga!

But instead of taking a rest...

Lumapit ako sa’king bag at saka kinuha ang mga stickers ko roon na puro baril ang hitsura.

Nahiligan ko ang mga ganito nung nakapanood ako ng isang action movie. In fact, i want to have my own gun. Iyong hindi lang sa stickers... Iyong pumuputok sana at may bala.

I chuckled at that. Alam kong hindi mangyayari iyon dahil takot ako sa malalakas na tunog.

Sinimulan ko nang idikit ang mga stickers sa lamesa, sa dingding, sa pintuan, at sa bukasan ng drawer sa ilalim.

Tinitigan ko ang mga iyon. Paniguradong magagalit si boss pagbalik niya!

I chuckled. At least ngayon, medyo nabuhayan na ang paligid. Sana lang ay hindi siya bumalik kaagad. Mahirap kasi iyan tanggalin.... Paniguradong malalagot ako!

Lumabas muna ako sa opisina para makabili ng tubig. Ramdam ko na kasi ang panunuyo ng lalamunan ko.

Nakasalubong ko si Gelo. Mukhang kapapasok niya lang rin galing sa labas.

He smiled when he saw me.

“Gelo! Kamusta?” ngumiti rin ako sakaniya.

Sinabayan niya ako sa paglalakad. “I’m fine. Medyo busy lang. Daming iniwan ni boss na trabaho,” then he laughed.

“Parehas lang tayo.” sabay tawa ko rin.

We stopped in front of a mini store.

Bumili siya ng dalawang chips. Kumuha na rin ako ng mineral water at siya na ang nagbayad non.

“Thank you.” I said.

Tumango lang siya at saka ngumiti. “You are alone in his office, right? Do you want me to come with you tonight?”

Gulat akong umiling sa kaniya. “Hindi na, Gelo... Ayos lang naman ako roon.”

“Tsk. Do’n ka na lang muna sa opisina ko habang hindi pa bumabalik si boss.”

Huminto kami sa harap ng building. Inisip kong mabuti ang sinabi niya. Magandang ideya nga ‘yon para may makausap ako at hindi na mabagot... Kaso baka maging issue naman iyon sa iba naming katrabaho. Sa huli ay umiling ako ulit.

“Ayos na’ko roon sa opisina ni boss, Gelo.”

“Are you sure? Sige! Ikaw rin... Baka may makita kang lumulutang sa restroom. Mag-isa ka pa naman do’n...” sabay tawa niya.

Bigla akong nanlamig sa narinig. Shit! Kailangan niya ba talagang sabihin iyon?

“Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan, Gelo!” medyo napalakas ang boses ko dahil sa takot na baka totoo nga iyon.

“Bakit? Hindi ka pa ba nakakakita ng ganon? Ako kasi ilang beses na. Sa opisina pa nga ni boss madalas—” tinakpan ko na ang bibig niya.

“Do’n na tayo sa opisina mo!” hinatak ko siya papasok sa loob ng building.

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Where stories live. Discover now