C16

80 22 8
                                    

PLEASE, SAY YES.

          Walang lingon akong pumasok ng room. Walang pinansin sa mga kaklase kong maiingay.

Halos dalawang linggo na ang makalipas simula nong nag joke siya. Dalawang linggo ko na din siyang iniiwasan. Tuwing nakikita ko siya o nagkakasalubong ang landas namin ay agad na akong umiiwas. Sa tuwing kinakausap niya ako ay puro tango at iling lang ang natatanggap niyang sagot mula sakin. Alam kong nagtataka na rin siya sa pag-iwas ko at ang alam niyang dahilan ng pag hindi ko pag pansin sa kaniya ay 'yong biro niya. Pero hindi.

Sa loob ng dalawang linggo puro pag-iwas lang ang ginagawa ko dahil tuwing nakikita at nararamdaman ko ang presensya niya, bumibilis ang tibok ng puso ko. Walang pinagbago sa nakaraan. Pero kahit anong iwas ko hindi talaga maiiwasan na magkasalubong kami lalo na't mag kaklase kami.

Kagaya nalang ngayon, Ngayon na pipili ang President ng photography club. Tatlo lang kada grupo ang kukunin na ipepresent. At buti nalang ay kasama ang kuha ko doon. Ang lay Sheena, Pres, at sakin ang pinili ng grupo.

Sa kabilang banda, kanina ko pa inaaninag ang lalaki na namimili, pero hindi ko talaga makita dahil baka facemask ito. Sabi ni Ma'am ay Grade 12 na ito at hilig ang photography. Kaya nakuha nito ang atensyon ko.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan pero ang mata at glasses niya lang makikita. Nakabonet siya at may mga kaunting Blonde na buhok ang lumalabas sa patilya niya.

May itsura siguro ito.

Nang magsawa ako sa lalaki, binaling ko nalang sa mga pictures ang atensyon ko.

Nakaframe lahat ng gawa namin sa harap. Kitang kita ko mula dito sa likod ang gawa ko na natatakpan ng malaking frame ni Sheena. Halatang sinadya niyang takpan 'yong akin. May lima ng nakuha kanina at kabilang ang kay Pres doon. Dalawa nalang ang kailangan nila.  Kinakabahan ako dahil natatakpan iyong akin. Pinagbabawal na lumapit sa harap dahil patakaran niya iyon.

Nasaksihan ko kung paano napangiti si Ma'am habang nakatingin sa frame ni Sheena na napakalaki ng hawakan iyon ng President ng Photography club. I don't even know what's his name kasi nalate ako kanina dahil nagikot ikot ako dito sa school.

Nilingon so si coloring book at natagpuan kong nakataas siya ng kilay sakin habang nakangiti. Inirapan ko siya.

Hinawakan ni Photography President ang frame na iyon saka binaliktad para tignan sa likod ang pangalan ng nag mamay-ari.

Kukunin na sana niya iyon ng mapatigil siya ng mapatingin siya sa maliit na frame na pagmamay-ari ko.

Kinuha niya iyon at tinignan ang pangalan sa likod. Kita ko ang panlalaki ng mata ng lalaki ng ilang segundo bago kinuha ang dalawang frame na pagmamay-ari ni Sheena at sakin.

"Ma'am, ito na po ang mga napili ko." Aniya ng lalaki.

Nagulat ako sa boses niyang dahil sobrang buo at mapangakit ang tono nito.

Narinig ko ang ibang mga babae kong kaklase na humahagikgik ng mahina sa gilid.

""Oh! Okay."

Kinuha ni Ma'am ang picture ko. "Wow! This is so beautiful! Who captured this!" Binaliktad niya ang frame ko.

"Derna! You captured this!" Tingin ni Ma'am sa direksyon ko.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now