Monday 4pm ng hapon
Dahil dalawang linggo na lang Winter Tournament na matindi ang pagpapractice ng Shohoku
Ngayon hapon kasama si Rukawa sa pagpapractice habang nanonood nman si Haruko at Ayako sa bench
"Nice Shot Ruka-kun" sigaw ni Haruko matapos mag jumpshot ni Rukawa
"Mukhang ganadong ganado sila ngayon ahh" sabi ni Ayako
"Syempre nman, dalawang linggo na lang Winter Tournament na, excited narin ako kasi heto yung unang tournament na kasama na ako sa Team, kaso nga lang si Sakuragi-kun hindi sya makakapaglaro kaya nakakapanghinayang din" sagot ni Haruko
"Ano bang ginagawa ng gong gong na yun kapag dinadalaw mo sya?" Tanong ni Ayako
"Ayon hindi na sya nagpupumilit kasi talagang gustong gusto nyang maglaro" sagot ni Haruko
"Ikaw lang nman makakapag-control sa taong yun Haruko, Kasi wala ng ibang pinapakinggan yun kundi ikaw" sabi ni Ayako
"Huh?" Napalingon si Haruko kay Ayako
"Ahhh wala haaa-haa" sagot ni Ayako
Pagkatapos non tudo cheer si Haruko sa buong Team lalo na kay Akagi at Rukawa
"Hay bat ba ang hina ng isip ng babaeng toh? Hindi ba nya makuha ang sinasabi ko?" Sabi ni Ayako sa kanyang isipan habang nakatingin kay Haruko
Samantala si Sakuragi nman dahil bagot na bagot na sya na palagi na lang nakakulong sa bahay nya naisipan nyang maglakad lakad, nakasuot sya ng kulay itim na jacket na may balahibo sa kanyang leeg, makapal na maong na pantalon at naka sapatos habang naglalakad umuusok pa ang hininga nya
Nadaanan nya ang public court kung saan sya noon nag sasanay ng leyap shot kasama si Haruko walang naglalaro dahil umuulan ngayon ng snow sa Kanagawa, may mga yelo ang sahig at ang net ng ring ay matigas sa yelo
Nakatingin lang si Sakuragi sa ring ng basket habang inaalala nya ang mga naging performance nya noong summer sa Elimination at Interhigh
"Anim na buwan na nakakalipas, Nakalimutan kona ba ang mga natutunan ko? Hindi kahit na kailan hindi ko nakakalimutan ang mga natutunan ko, kaylangan ko lang sundin ang sinasabi sakin ni Haruko at ni Tatang, Hintayin nyo pagbabalik ko" sabi ni Sakuragi sa kanyang sarili habang nakatingin sa ring ng basket naalala nya ang mga nakaharap nyang basketball player at sa mga basketball player na hindi pa nya nakakaharap lalo na si Morishige
Iniisip din nya ang tungkol sa pagpunta nya sa Tokyo tungkol sa sinabi sa kanya ni Coach Anzai
"Tokyo pala ahh hindi ko alam kung anong klaseng training ang mangyayari pero kung yun lang ang paraan para mas gumaling ako sa paglalaro ng basketball, para matalo si Rukawa gagawin ko kahit ano pa yan" sabi nya ulit sa kanyang sarili
Matapos non umalis si Sakuragi at habang naglalakad sya naalala nya ang mag iina sa lomi house na kinainan nya noong nakaraang linggo, kung saan naabutan nyang binubugbug ng lasing na asawa ang babaeng naging karelasyon noon ng kanyang ama
Naisip ni Sakuragi na pumunta doon at nang makarating sya nakita nyang bukas pumasok sya
"Tuloy po kayo" na nakayuko ang ulo ng babae
Ang babaeng ito ay si Yukia Koshihada ang naging karelasyon ng tatay ni Sakuragi
Nang makita ni Yukia si Sakuragi ang pumasok napangiti sya
"Order ako" sabi ni Sakuragi
Habang kumakain si Sakuragi ng lomi
"May pasa ka nanamn, Binugbug ka nanaman ba nya?" Tanong ni Sakuragi
YOU ARE READING
Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2
RomanceNew Version ng Slam Dunk Ang KWENTO ito ay Kathang isip lamang na walang kinalaman ang original na lumikha ng Slam Dunk Nais ko lamang pasayahin ang mga nagbabasa