Vol.1 Chapter 36

232 19 5
                                    

Kinaumagahan, masayang pinagluto ng almusal ni Sakumi si Sakuragi

Dahil sa kabaitan at malambing na pakikitungo sa kanya, hindi maiwasan ni Sakuragi na maakit sa dalaga

Bukod sa magaling sa gawaing bahay masipag at malambing magsalita, mahinahon, masasabing perfect si Sakumi bilang housewife

Yan ang naiisip ni Sakuragi habang kumakain sya

"Talaga bawal sayo ang mga seafoods? Okey tatandaan ko yan" sabi ni Sakumi

"Bakit allergic ka sa seafoods? Sa katunayan nga isa sa favorate namin ang mga shells, crabs" sabi ni Shisaku tatay ni Sakumi

"Namana ko daw sa Lola ko, sa parte ng papa ko, kapag nagkakain ako nagkakapula ang balat ko, makati sa balat at kapag marami akong nakain, hindi ako nakakahinga" sagot ni Sakuragi

"Ahhhh delikado pala talaga" natarantang si Sakumi

"Oh tandaan mo yan Sakumi" sabi nman ni Sakutobi

"Upo" sagot ni Sakumi

Habang si Sakuna tahimik lang tila walang ganang kumain

"Sakuna, yung tungkol sa kuya mo alam kong okey lang sya, wag kang mag alala magtratraining ako ng mabuti kay tanda. Ililigtas ko sya, hahanap ako ng magagaling na makakasama" sabi ni Sakuragi

"Pangako mo yan ah, inaasahan kita" sagot ni Sakuna

Kinuha na nya ang kutsara at tinidor at nagsimula ng kumain

Pagkatapos kumain ni Sakuragi

"Kailangan ko nang umalis" sabi ni Sakuragi

"Aalis kana agad?" Na naging malungkot na si Sakumi

"Siguradong hinahanap na nila ako, Uncle Sakutobi shaka Tito Shisaku" sabi ni Sakuragi

"Sige na, mag iingat ka" sagot ni Sakutobi

"Tekah pwede ba akong sumama?" Tanong ni Sakumi

"Guhh? Bakit ka sasama? Hindi pwede" sagot ni Sakuragi

Lumingon si Sakumi sa kanyang ama

"Dad"

"Hhmmm sige na Sakuragi, ihatid mo na lang sya mamaya" sagot ni Shisaku

"Pero" sabi ni Sakuragi

"Gusto ko lang nman makilala ang mga kaibigan mo, diba ang sabi mo kagabi gagawa tayo ng mga memories na tayo lang. Kaya payagan mo na akong sumama" sabi ni Sakumi

Habang si Sakuna

"Grabe, talagang wala na syang pakialam, kung sabagay isa nman yan sa personality ni Sakumi, pinapakita nya kung sino sya hindi nagpapanggap" sabi ni Sakuna sa kanyang isipan

Isa sa dahilan kaya ayaw isama ni Sakuragi si Sakumi, dahil alam ng buong team ng shohoku na girlfriend nya si Kumi, kahit na nagpapanggap lang sila

At iniisip din nya kung anong magiging reaction ng lahat, lalo na si Haruko at Inami na malamang sisipain o susuntukin sya ni Inami sa mukha kapag nalamang iisipin nila na kaya pala umalis kagabi ay dahil sa babae, alam nya kung gaano kabagsik si Inami, pero

"Sige na" sabi ni Sakuragi

Nagmadaling pumunta sa kwarto si Sakumi para magbihis, nakasuot pa kasi sya ng apron kakatapos lang maghugas ng plato

At ilang minuto lang, lumabas sya, doon nakita ni Sakuragi ang kaning ningan ng kagandahan ni Sakumi

Kung ikukumpara kay Haruko, o kay Inami o sa iba pang nakilala ni Sakuragi, walang wala sila kay Sakumi, yan ang nasa isip ngayon ni Sakuragi

Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2Where stories live. Discover now