Natapos ang First Half ng Shohoku laban sa Takezono na lamang sila ng 4 points
Habang naglalakad si Sakuragi galing sa banyo sa hindi inaasahan nakasalubong nya si Yoko ang girlfriend ni Oda na naging classmate nya noong junior high at isa sa mga bumasted sa kanya
"Sakuragi-kun" sabi ni Yoko
"Yo-yoko? Anong" sabi ni Sakuragi
"Nakakalungkot isipin na makakalaban ka namin" sabi ni Yoko
"Ano bang sinasabi mo? Talagang mangyayari yun" sagot ni Sakuragi
"Kamusta kana pala? Balita namin ang nangyari sayo, Gusto sana kitang noon bisitahin kaso" sabi ni Yoko
Napapaisip si Sakuragi bakit sya dadalawin ni Yoko noong nagpapagaling sya ng injury nya sa likod
"Magaling na ako hehehe syempre henyo ako ehh haha" sagot ni Sakuragi
"Haha mukha nga" natawa na si Yoko at habang nakatingin si Sakuragi sa kanya
"Mas lalo syang gumanda" sabi ni Sakuragi sa kanyang isipan
"San kaba pupunta? Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Sakuragi
"Ahh wala, kukuha lang ako ng tubig para sa Team" sagot ni Yoko
"Ganun ba? Pakisabi na lang kay Oda na pasensya kung gusto nyang maging #1 sa Japan harapin nya muna ako" sabi ni Sakuragi
Umalis si Sakuragi habang nakatingin sa kanya si Yoko, napansin nya ang malaking pagbabago ni Sakuragi simula nong nakilala nya ito wala na itong ginawa kundi makipag away sa kanya pero ngayon sa nakikita ni Yoko mayron ng pangarap si Sakuragi
At kahit na magkalaban ang kanilang Team magkaibigan parin ang dalawa
Habang naglalakad si Sakuragi
"Sakuragi-kun?" sabi ni Haruko
Lumingon si Sakuragi sa likuran nya, nakita nyang paalis narin si Yoko lalabas para bumili ng tubig
"Kanina kapa namin hinihintay" sabi ni Haruko
"Pumunta lang ako ng banyo" sagot ni Sakuragi at dinaan nya si Haruko
Naramdaman ni Haruko ang pag iwas sa kanya ni Sakuragi di nya maintindihan kung bakit bigla na lang lumamig ito sa kanya hindi kagaya noon na naging personal nurse sya ay puro kakulitan, kalokohan at tawanan sila
Derederetso si Sakuragi pumasok sa locker room
"Sakuragi kun" malungkot na mukha ni Haruko at sumunod din sya pumasok din sa locker room kung nasaan ang buong Team
Nakafucos ngayon ang Shohoku sa pagtatambak sa Takezono para mapigilan ang depensa ng Takezono, sinabi ni Coach Anzai sa kanila na si Mitsui ang susi ng tagumpay nila, Si Sakuragi at Akagi na ang bahala sa rebound, kapag nakontrol nila ang rebound sila ang mananalo, yan ang paniniwala ni Caoch Anzai
Makalipas ang ilang minuto tinawag na sila magsisimula na ang 2nd Half
At sa hindi nila inaasahan meron ipinasok ang Takezono na bagong player, naglalakad sila papunta sa gitna ng court
"#15?" Sabi ni Ayako
"Wala tayong datos sa kanya? Sino sya?" Tanong ni Ayako
Habang ang mga substitute player ng Shohoku
"Nakakatakot ang itsura nya" sabi ni Yasuda
"Kalbo pero ang kapal ng bigote sa mukha" sabi naman ni Kakuta
Habang si Kogure
"Ang laki nya mas malaki pa kay Akagi" sabi ni Kogure
Lumapit si Taesu sa Shohoku
YOU ARE READING
Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2
RomanceNew Version ng Slam Dunk Ang KWENTO ito ay Kathang isip lamang na walang kinalaman ang original na lumikha ng Slam Dunk Nais ko lamang pasayahin ang mga nagbabasa