Dahil sa pinamalas ni Sakuragi pagtulong sa mga kasama nya at ginawa nitong rebound shot kung saan ginulat nya ang lahat
Sa natitirang sampung minuto sa First Half nagdesisyon si Sora na pumasok na sa laro
Si Sora bukod sa naging guro nya ang Lolo ni Sakuragi na si Sakurou Hitogami
Naging studyante at naging manlalaro ng basketball association kung saan isa sya sa Representatives ng Japan sa mga international competition
Pangalan ng Team na yun ay Phantom Swords, ar ngayon na sumali sila sa Team Tokyo kung saan kaharap nila ngayon ang Team Kanagawa
"Hindi mona magagawa yung ginawa mo kanina" sabi ni Sora kay Sakuragi
"Kanina pa ako naiinip dito" sagot ni Sakuragi
Sa bench ng Team Kanagawa, hindi maipaliwanag ni Haruko ang sayang nararamdaman nya dahil sa performance ng paglalaro ni Sakuragi
"Ang galing nya, kapag kailangan ng tulong ng kasama nya dadating sya para tumulong" sabi ni Haruko
"Oo, kanina tinulungan nya si Captain Sendo kaya naka fade away si Captain Sendo, tapos yung 3 point shot ni Jin, at yung kakaibang rebound nya kanina, di ako makapaniwala sa nakikita ko, si Sakuragi ba talaga itong nakikita ko?" Tanong ni Hikoichi
"Pero, yung #10 ng Team Tokyo pumasok na sya, Sana walang mangyari" sabi ni Haruko
"Kaya yan ni Hanamichi, kahit baguhan pa sya, siguradong kaya nyang pigilan ang National Player na yan, Isa kaya syang henyo, yan ang palaging sinasabi nya at ilang beses narin nman nyang napatunayan yun" sagot ni Kenzo
"Huh! Kalokohan, Henyo sa kayabangan kamo" banat ni Nango
"Henyong gong gong kamo" banat din Kiyota
"Tama" sagot ni Fukuda.
"Tumigil na nga kayo!" saway ni Haruko sa kanila
Habang drinidribble ni Sora ang bola nasa harapan nya si Sakuragi
"Bago natin simulan meron akong sasabihin sayo, Naniniwala na ako ngayon na talagang magaling ka nga Sakuragi, Hindi ako nagkamali, Apo nga pala ni Sensei at cousin ni Sakutou, kaya ngayon hindi ko na kailangan magpigil pa" sabi ni Sora
Nang biglang unti unting nawala si Sora sa paningin ni Sakuragi, nakaramdam sya ng hangin sa kanan nya at di mabilang na tunog ng takbog ng bola
Paglingon nya sa likuran nya tila yata bumalik ang tamang oras ni Sakuragi
"Ano yun? Ang bilis nya, parang bumagal ang oras nang dumaan sya, o mabagal lang talaga naging reaction ko kaya diko nalamayan na dumaan na pala sya" sabi ni Sakuragi tumakbo sya para habulin si Sora
Pagdating ni Sora, tumalon sya dahil sa mahigpit ang nagbabantay kay Hanagata hindi nya magawang pigilan si Sora
Subalit nagulat si Sora dahil biglang lumitaw ang anino ni Sakuragi sa likuran nya
"Sakuragi" gulat na si Sora, subalit nagawa parin nyang maidakdak ang bola gamit ang kanang kamay
"Imposible" sabi ni Juno
"Nagawa nyang abutan si Sora? Anong ibig sabihin nun? Magkasing bilis sila?" Sabi nman ni Luke
"Si Sora ang pinakamabilis sa amin nagawang nagawang abutan ng lalaking ito? Isang ordinaryong naglalaro ng basketball" sabi ni Goru
Habang si Jed na nasa bench
"Hindi maganda ang nangyayari, Habang tumatagal, yung #11, yung #7 at itong #10 habang tumatagal umuunlad sila sa paglalaro, ganitong team pala ang pinili mong pasukin Kenzo" sabi ni Jed
YOU ARE READING
Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2
RomanceNew Version ng Slam Dunk Ang KWENTO ito ay Kathang isip lamang na walang kinalaman ang original na lumikha ng Slam Dunk Nais ko lamang pasayahin ang mga nagbabasa