Vol.1 Chapter 34: Ang Pinagmulan Ni Sakuragi, Ang Angkang Saku

278 16 2
                                    

Sa 2nd half sa pagitan ng Team Kanagawa at Team Saitama sa All District Tournament

Si Sakuragi parin ang nagbantay kay Yutaro Mikazuka

Ipinasok ulit ng Team Kanagawa si Sendo kapalit ni Fujima bilang point guard, at ipinasok narin nila si Hanagata kapalit ni Oda sa paraan na iyon nakapaglaro ang lahat ng miyembro ng Team Kanagawa

Nagpalit din ng player ang Team Saitama, pinalitan nila ang Small Forward

"2nd Half na kailangan na talaga nilang seryosohin ang laban, nakakahiya nman kung sa First game talo agad tayo" sabi ni Hikoichi

"Wag kang mag alala alam kong kaya nila yan" sabi ni Haruko sabay tayo nya

"Kaya nyo yan Team Kanagawa" sigaw ni Haruko

"Pahingi nga ako ng tubig" sabi ni Fujima

Kumuha si Haruko

"Ahh heto" sabi nya

Nang biglang pati kamay hinawakan ni Fujima at sinabing

"Hindi parin ako makapaniwala na kapatid mo si Akagi ang layo kasi ng itsura" kumikinang na mukha ni Fujima

"Uughhh ahhh ahhk teka tekah" natarantang si Haruko namula ang mukha

"Ggrahhhhh wag mo ngang hahawakan ang kamay nyahh" nakatutok ang kamao ni Nango kay Fujima

"Ano kaba, nagtataka parin kasi ako" sabay inom ni Fujima ng tubig

Nagsalita si Fukuda

"Baka ampon sya" napapaisip na si Fukuda

"Ughh ahh hindi, hindi ako ampon" sagot ni Haruko

"Hay kayo nman bakit nyo ba pinagtritripan ang munting manager natin" sabi nman ni Jin

"Munting manager?" Tanong ni Haruko sa kanyang isipan

"Isa ka pa ehh" sagot ni Nango na protektive kay Haruko

"Wag nga kayong maingay" banat ni Kenzo

"Geehhhh bakit ako nadamay" sagot ni Haruko

Habang nakikipag asaran si Nango kila Fujima, Fukuda, Oda at Kenzo

"Nakakatuwa nman oo magkakaiba nga sila ng Team, pero sa nakikita ko habang tumatagal na magkakasama kami nagiging magkakaibigan sila, sana ganito na lang palagi yung kahit may kaunting away at asaran magkakaibigan parin kahit na makakaiba ng team magkakaibigan parin" sabi ni Haruko sa kanyang isipan

"Abah fade away" sabi ni Hikoichi

"Hhumm" agad na tumingin si Haruko sa mga nanonood nag fade away ang Small Forward ng Saitama na kinagulat ni Rukawa

Pagkatapos agad nman kinuha ni Hanagata ang bola at ipinasa kay Rukawa

Tumakbo si Rukawa , ipinasa nya ang bola kay Sendo, sabay lusot ni Rukawa sa nagbabantay sa kanya

Nagsesenyasan ang dalawa, nang nasa loob na si Rukawa

Ipinato ni Sendo ang bola pataas sabay talon ni Rukawa dinakdak sa ring

"Rukawahhhh" napatayo na si Haruko

"Ang galing, ang pinagsamang galing ni Captain Sendo at Rukawa" sabi ni Hikoichi

Pagkatapos mag Alley oop

"Masyado ka atang nag e-enjoy Rukawa" sabi ni Sendo

"Tsu! Kausapin mo sarili mo" sagot ni Rukawa sabay alis nya para dumepensa

"Ano?"

"Grabe ang lamig nman nya" sabi ni Sendo

Nang sa Saitama nman ang bola, tumira ng jumpshot si Shioro ang power forward na di napigilan ni Kiyota

Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2Where stories live. Discover now