Habang nagkakasiyahan ang lahat sa una nilang panalo sa District Tournament
Patuloy na kinukulit ni Nango si Haruko
"Sige na haruko makipag date kana sakin" sabi ni Nango
"Ehhh bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko nang ayuko" sagot ni Haruko aalis na sana ito nang biglang hinakawan sya ni Nango sa braso
Saktong nakita iyon ni Akagi ang kapatid ni Haruko, galit na galit sya dahil nakikita nyang mukhang naiilang na ang kapatid nya sa pang haharas ni Nango
Ngunit hindi pa man sya nakakalapit biglang dumating si Rukawa at hinawakan ang kamay ni Nango ng malakas
Sa lakas ng pagkakahawak ni Rukawa bumitaw si Nango sa paghawak sa braso ni Haruko sabay tulak ni Rukawa sa kanya
"Ikaw! Ano bang pakialam mohh" sigaw ni Nango ngunit nagulat sya nang makita nya ang mabagsik at madilim na mukha ni Rukawa
"Ruka-kun" gulat na si Haruko
"Haruko" tawag ni Akagi
"Onisan" sagot ni Haruko
Unti unting lumapit si Rukawa kay Nango
"Anong gusto mo ahh" sabi ni Nango
"Papatayin kita" sagot ni Rukawa
Susugod na sana si Rukawa nang biglang humarang si Haruko sa harapan nya
"Tama na, wag! Wag mong gawin yan Ruka-kun" sabi ni Haruko
Habang si Nango, heto ang unang pagkakataon na nakaramdam sya ng takot nang makita ang reaction ni Rukawa
Nakita ng lahat ang nangyari, lumapit ang Team Tsukubo kay Nango, at kinurot sya sa tenga ng captain nila
"Nakakahiya ka, ikaw pa nman ang representative ng team natin, halika nga dito" sabi ng kanilang captain
"Teka lang aray aray!" Nagpupumiglas sa sakit na si Nango
"Ayos ka lang Haruko?" Tanong ni Akagi
"Okey lang nman ako Kuya" sagot ni Haruko
"Grabe nakakahiya, ano bang klaseng manlalaro sya parang manyakis" sabi nman ni Ayako
Habang si Inami
"Ano ba talaga relasyon ang meron sila? Bakit bigla na lang nagkaganun si Rukawa" sabi ni Inami
"Ibang klase yun ahh ngayon ko lang nakitang nagkaganun si Rukawa" sabi ni Mitou
"Baka nman tama ang kutob natin, nagsinungaling sila na magkaibigan lang sila baka may tinatago silang relasyon" sabi nman ni Takamiya
"Baka nga" sagot ni Ohkuso
Upang mapakalma si Rukawa kinausap sya ng Team ng Shohoku habang pinagalitan ni Coach Taoka at Coach Takato si Nango dahil sa asal nito kanina
Habang tahimik si Rukawa
"Pasensya na" sabi nya
"Hay nako, Muntik ka ng makagawa ng gulo kanina, kasalanan nman kasi ng player ng Tsukobu" sabi ni Ayako
Nagtataka at nabigla ang shohoko sa nakita nila kay Rukawa
"Halika nga Haruko, mag usap nga tayo" sabi ni Ayako
"Sige" sagot ni Haruko
Lumabas ang dalawa sa kwarto habang naiwan sa loob si Rukawa kasama ang Team ng Shohoku
Sa labas nakaabang si Inami, kasama sina Mitou, si Kumi, si Kenzo
"Sabihin mo nga saamin Haruko, ano ba talagang meron sa inyo ni Rukawa? Bakit sya nagkaganun? Alam kong close kayo pero para syang nabaliw ng oras na yun" tanong ni Ayako
YOU ARE READING
Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2
RomanceNew Version ng Slam Dunk Ang KWENTO ito ay Kathang isip lamang na walang kinalaman ang original na lumikha ng Slam Dunk Nais ko lamang pasayahin ang mga nagbabasa