Sa Osaka, 9am papasok na sa Osaka Astrodome ang Team Kanagawa
Nang mayron silang makasalubong na pamilyar sa kanila
Si Kishimoto at Minami ang dalawang player ng Toyotama na kasama sa Team Osaka napatigil sa paglalakad sila
"Ahhkk Long Hair" sabi ni Sakuragi
"Sakuragi, Rukawa, Nandito ikaw na myembro ng Kainan, Nobunaga at Jin" sabi ni Kishimoto
"Halina kayo, malalate na tayo" sabi ni Coach Taoka
Lumapit si Kishimoto kay
"Ikaw ba si Sendo? Kapag nagharap tayo dudurugin kita" sabi ni Kishimoto
"Sige, sinabi mo yan" sagot ni Sendoh na cool lang
Habang si Hikoichi
"Ang yayabang talaga ng mga player ng Toyotama, natalo nga kayo sa Shohoku diba" sabi ni Hikoichi
Lumingon si Kishimoto kay Hikoichi na agad na natakot si Hikoichi
Habang si Minami tahimik lang ngunit pagdaan nya lumingon ang mata nya kay Rukawa
"Hoy mga panget bumalik kayo dito" sigaw ni Sakuragi
"Sakuragi-kun tama na" saway ni Haruko
Sa Locker Room, ipinamigay na ng tatlong Coach ang jersey ng bawat isa.
Kulay Green na may halong white sumisimbolo sa kulay ng Kanagawa, ang Kanagawa ay ang Distrito na maraming bundok at green na mga halaman kaya yan ang kulay nh jersey nila
#10 at #11 parin si Sakuragi at Rukawa, may nakalagay na KANAGAWA at sa likod ay ang last name nila
#10
HanamichiSi Kenzo ay #16, si Sendo ay #7, si Kiyota #9 si Fukuda #13 si Oda #15 si Nango #8 si Jin #12 si Fujima #5 at si Hanagata ay #6
Mamayang hapon na ang unang laban nila at ang unang makakaharap nila ay ang
"Ang Team Saitama" sabi ni Haruko
"Tsu malamang pinagsama samang Team din ang miyembro nila, wala akong naalalang may magaling na taga Saitama pre" sabi ni Kiyota
"Wala akong pakialam basta dudurugin ko ang Team Saitama na yan, basta nandito ang henyong si Hanamichi, balewala lang sila wahahaha" malakas na tawa ni Sakuragi
"Huh gong gong" bulong ni Rukawa
"May binubulong bulong kahh" na pinakita kay Rukawa ang kamao nya
"Relax ka lang dyan Hanamichi, hanggang hindi pa natin nakakaharap ang Team Tokyo, mananalo tayo sa bawat laban natin, malamang sila ang nasa finals" sabi ni Kenzo
"Hhhmm tokyo? Ang pagkakaalam ko, mamaya ang laban ng Tokyo sa Team Aichi" sabi ni Haruko
"Ano?" Gulat na si Kenzo
"Kung ganun panonoorin natin sila, mas magandang ngayon palang pag aralan na natin ang stilo ng paglalaro nila, sang ayon kaba Coach Anzai? Coach Taoka" sabi ni Coach Takato
"Hhhmm tama ka dyan" sagot ni Coach Taoka
"Sige" sagot ni Coach Anzai
"Pero bago muna yan, pumunta muna tayo sa pansamantalang tutuluyan natin, para pag usapan ang iba pang mga plano sa Tournament" sabi ni Coach Takato
Sa tinutuluyan ngayon ng Team Kanagawa, isang malaking bahay na pagmamay ari ng isang college coach isa sa studyente ni Coach Anzai, si Coach Pax kasabayan noon ni Coach Pax si Yazawa ang studyente ni Coach Anzai na namatay nang pumunta sa Amerika
YOU ARE READING
Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2
RomanceNew Version ng Slam Dunk Ang KWENTO ito ay Kathang isip lamang na walang kinalaman ang original na lumikha ng Slam Dunk Nais ko lamang pasayahin ang mga nagbabasa