Sa natitirang minuto, tila gumagawa nanaman ng milagro si Sakuragi
Nagawang supalpalin si Kyosei at nakadakdak sya sa pamamagitan ng tinagawag nyang Rebound Dunk
Hawak ni Kyosei ang bola kaharap nya si Kenzo
"Kaylangan kong bawasan ang bilis ko" sabi ni Kenzo sa kanyang isipan
Nang biglang itinaas ni Kyosei ang bola
"Ano?" Gulat na si Kenzo hindi nya inaasahan ang tirang iyon akala nya lulusot sa kanya si Kyosei
"3 point shot" sabi ni Sendo
Pumasok ang bola sa ring na nagpahabol sa lamang ng Team Kanagawa
"Ggrahhhhh kakainis talaga" sabi ni Sakuragi
Sa sumunod na segundo, nakapag jumpshot din si Kenzo, parehong nagpapakitang gilas ang dalawang Point Guard subalit habang tumatagal lumilitaw na kung sino ang mas magaling sa dalawa
Upang mapanatili ang kanilang kalamangan si Kenzo, pinapasa ang bola sa mga kasama nya
Nakapag leyap si Jin, nakapag 3 point shot muli si Hikoichi, nakapag dunk si Nango at nakapag jumpshot si Sakuragi, hindi rin nman nagpapatalo ang Kyōto
Kapag nakakalamang ang Team Kanagawa agad nman nilang nasasagot
Hanggang sa isang minuto na lang ang natitirang oras
Nagawang pigilan ni Jin ang 3 point shot ni Hiyama
"Rebound" sabi ni Hiyama nakahanda nman agad ang Team Kyōto sa pagrebound nang biglang lumitaw si Sakuragi at sya ang nanalo sa rebound
"Ahhhh" gulat na si Kishou
"Naunahan pa nya kami sa pagtalon ang lahat ng hita nya" sabi ni Kyosei
"Goo goo boy bansot!" Sigaw ni Sakuragi na malakas nyang ipinasa kay Hikoichi
Pagdating ni Hikoichi tumira sya ng 3 point shot subalit nagawang supalpalin ni Kyosei
"Ahhh" gulat na si Hikoichi
Agad na kinuha ni Kenzo, ipinasa ng mabilis kay Jin at mabilis na itinira ni jin ang bola, ngunit maabutan ni Hiyama
"Rebound" sabi ni Jin
Tumalon ang mga nasa ilalim nang biglang
"Ahhhhh" sigaw ni Sakuragi, pagkakuha ng kanang kamay nya ay agad na nya itong idinakdak
Di makapaniwala si Kyosei sa pinapakita ngayon ni Sakuragi
Sa taas kung nasaan nanonood si Sakuzo at Yutaro
"Ganyan sya, kapag last minute na para syang gumagawa ng milagro, dahil sa pagnanasa nyang manalo wala syang pakialam kung pagod na sya o magka Injury man sya, ang mahalaga at nasa isip nya ay ang manalo" sabi ni Sakuzo
"Dun sya magaling, sana ganyan parin sya kapag nakaharap na nya balang araw si Sakutou" sagot ni Yutaro
22 seconds nang maka jumpshot si Kyosei, 15 seconds nang makaleyap si Kenzo
At 6 seconds nang makadakdak muli si Sakuragi, nang 4 seconds na lang natitira lamang ang Team Kanagawa ng 2 points, hinigpitan pa lalo ng Team Kanagawa ang depensa nila na naging resulta ng kakulangan sa oras, di nagawang makalusot ni Kishou sa depensa ng Team Kanagawa
Natapos ang laro sa score na
79 to 77
Pagkatapos ng laban, doon naramdaman muli ni Sakuragi na sumasakit ang mga hita nya, nakaramdam sya ng pangangalay at bigla ring lumalim ang paghinga nya
YOU ARE READING
Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2
RomanceNew Version ng Slam Dunk Ang KWENTO ito ay Kathang isip lamang na walang kinalaman ang original na lumikha ng Slam Dunk Nais ko lamang pasayahin ang mga nagbabasa