Sa bahay ni Coach Pax dahil naiinip na si Sakumi at naiimagine narin nya na magkasama si Sakuragi at Haruko ngayon nagdesisyon syang
"Teka nman Sakumi hindi ka pwedeng pumunta dun" pagpipigil ni Mitou
"Wag nyo akong pigilan, isa pa nag aalala din ako sa kapatid ko" sabi ni Sakumi aalis na sana sya ngunit bigla syang hinarangan ni Mitou
"Bakit kaba nakikialam ahh" sabi ni Sakumi
"Kapag nakita mo nga na magkasama si Haruko at Hanamichi anong gagawin mo?" Tanong ni Mitou
"Syempre kakalbuhin ko ang malanding yun, o kahit pa si Inami at Kumi kakalbuhin ko sila, kaya wag kang haharang harang dyan" sagot ni Sakumi
"Mitou wag mona syang pigilan" sabi ni Ohkuso
"Oo nga hayaan mona sya" sabi ni Takamiya
"Ayoko lang ng magkaroon sila ng gulo" sagot ni Mitou
"Ang mabuti pa samahan mona sya Kuya Mitou" sabi ni Sonomi
"Sonomi-chan" sabi ni Mitou napalingon nman si Sakumi kay Sonomi
"Mas mabuti pang umalis na sya dito ang ingay. Pero heto babala ko sayo, kapag nagpasimula ka ng gulo hindi ka makakatungtong sa bahay namin kahit na anong pakiusap pang gawin mo kay Oniichan" sabi ni Sonomi
"Bakit ikaw ba ang may ari ng apartment na yun?" Tanong ni Sakumi na may halong inis kay Sonomi
"Hindi nga ako ang may ari, Pero ako ang nasusunod, sumusunod sakin si Oniichan, ako lang ang pinaniniwalaan nya, at isa pa ang apartment na sinasabi mo pag mamay ari yun ng papa namin naiintindihan moba sinabi ko" sagot ni Sonomi
Nakaramdam ng takot si Sakumi
"Oo na, hindi na ako mang gugulo, gusto ko lang malaman kung ano na nangyayari at nag aalala din ako kay Sakurina yun lang" sagot ni Sakumi
Walang nagawa si Mitou kundi samahan si Sakumi papunta sa nagaganap na laban ng Team Kanagawa at Team Nara, nag aalala kasi sya na baka magkaroon ng gulo lalo na kung si Inami ang makaaway nito, alam nyang kung mabagsik si Sakumi mas mabagsik si Inami
Habang naglalakad sila papunta sa Highway kung saan sila mag aabang ng taxi, napansin ni Mitou na panay tingin kay Sakumi ang mga taong makasalubong nila, yung isang lalaki ay pumito pa gamit ang bibig nya
"Napakabastos" na tinignan ng masama ni Mitou ang lalaking pumito kay Sakumi ngunit walang pakialam si Sakumi sanay na sya na may mga lalaki talagang tumitingin sa kanya
Dahil sa mala model nyang katawan, at mature na itsura kahit na 16 palang ito, matangkad din na mas matangkad pa kung titignan ngayon may Mitou, hanggang sintido lang ni Sakumi si Mitou
"Ano pa bang hinihintay hintay mo dyan, bilisan mo" sabi ni Sakumi
"Masyado kang nagmamadali" sagot ni Mitou
"Humanda sila kapag nakita ko silang dumidikit kay Sensei" sabi ni Sakumi
"Bakit kaba habol ng habol kay Hanamichi? Alam mo nman na mayron na syang ibang magugustuhan" sabi ni Mitou
"Tumahimik ka, wag ka ng magsalita, bakit kapa kasi sumama" sagot ni Sakumi kaya tumahimik na lang si Mitou na sumusunod sa paglakad kay Sakumi at habang naglalakad sila
Napatingin si Mitou sa mukha ni Sakumi na naka sideview sa kanya, pati sa buhok ni Sakumi na kulay pula medyo napatagal ang pagtingin ni Mitou sa mukha ni Sakumi na mukhang naiinis dahil sa mga pinag iisip na baka masayang masaya si Sakuragi na kasama si Haruko, Inami at Kumi
"Sensei, bakit" sabi ni Sakumi na mukhang iiyak na nang biglang magsalita si Mitou
"Hindi lang nman si Hanamichi ang lalaki sa mundo, bakit hindi mo subukan tumingin sa iba" sabi ni Mitou
YOU ARE READING
Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2
RomanceNew Version ng Slam Dunk Ang KWENTO ito ay Kathang isip lamang na walang kinalaman ang original na lumikha ng Slam Dunk Nais ko lamang pasayahin ang mga nagbabasa