Prologue

122 14 5
                                    

Ryder's POV

MINSAN napapaisip ako, what does it feel like... to fall in love in high school? To share all the moments together; 'yung saya, lungkot, stress, adventures, and all the possible gimmicks in high school. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin, I was wearing a plain white shirt, with a gray vest, beige slacks, and a pair of white sneakers. Inayos ko ang aking buhok nang magmukha akong presentable mamaya sa orientation's night na hinanda ng Senior High School Society ng aming paaralan.

I am a Grade 11 HUMSS Student, 18 years old, I love all kinds of berries especially strawberry, I also love ice cream, and also baking... my name is Ryder, Riley Denver Robles, and I am on my way to make the best of my first senior year! After a few more things to do, I finished preparing by applying my favorite perfume. Pagkatapos no'n ay agad akong bumaba dahil hinihintay ako ng dalawa kong matalik na kaibigan, sina Apollo at Rex.

Nang makababa ako ay kaagad na bumungad si Rex. "Sa wakas nakatapos ka rin, ang tagal mo ha! Magsisimula na 'yung orientation mayamaya!"

Mahina akong natawa, Rex always wants to be on time for everything. "Literal na sobrang lapit lang ng school sa bahay namin, Rex ha. Chill out," tugon ko.

"Malapit ba 'yung 10 minutes walk?" sabat ni Apollo.

"At least walking distance." Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Manang, mauna na po kami!" paalam ko.

Nagmamadali kaming umalis ng bahay para maglakad papuntang school. "Late na ba talaga tayo?" tanong ko.

"Hindi naman, pero kasi tutugtog ata 'yung banda ng school eh," sagot ni Rex.

"So basically, kaya mo pala ako pinagmamadali kanina kasi gusto mong mapanood na kumanta si Calyx?" tanong ko kay Rex.

Sinagot naman ito ni Apollo. "Ano pa nga ba? Eh simula pa naman grade 7 tayo crush na ni Rex 'yang si Calyx."

The three of us had been classmates simula grade 7 ngayong senior high school lang kami nagkahiwahiwalay dahil magkakaiba kami ng strands na pinili. Si Rex ay nasa STEM, habang si Apollo naman ay nag ABM.

NANG makarating kami sa school, rinig mula sa labas ang hiyawan at sabay-sabay na pagkanta ng mga mag-aaral mula sa gymnasium. I could feel my own excitement kick in when I saw the lights coming from the outside. Napakaganda ng set-up ng orientation's night, na tila ba hindi na ito orientation's night kundi isang party. Unfortunately, sa sobrang dami ng tao ay nagkaubusan ng upuan, and I am one of those who lost their seats, but that did not let me lose my fun.

I went on to find my place, and I partied all night while the fun of the orientation lasted. There were even games led by the organization members which made it more fun. Overall, it was a fun night. After the orientation settled down, the band continued playing, at sa puntong iyon ay ubos na ang lakas ko para mag-party. Sabagay, it was already midnight...

Habang tumutugtog ang bandang, my eyes were settled to their drummer, Aiden. Shawn Aiden Manalo. He was having the night of his life sa tuwing papalo ang kaniyang stick sa drums, kitang-kita ko kung gaano siya kasaya.

"Ano, poging-pogi ka na naman kay Aiden? You know he's straight right?" Tumabi sa akin si Rex.

"Alam ko, but can't I admire him from a far though? Plus, last year na niya rito, I'll surely miss him," saad ko.

Umiling si Rex tsaka ako binulyawan. "Admire him from a far my ass, e hindi ka nga man lang kilala nung tao, dami mo ring alam eh."

Rex paused for a second before she speak again. "Anyway, mauuna na rin ako. Umuwi na rin si Apollo kasi hinahanap na siya ng kuya niya."

Not So Typical High School Love Story [On-Going]Where stories live. Discover now