Chapter 10

25 3 1
                                    

Ryder's POV

"MANANG, let me explain." I raised both my hands in the air as if I am a culprit that's been caught red-handed.

Technically, I am, dahil katulad nga ng sinabi ni manang, she wouldn't want to see a man in the house, not unless it's a man that she knows and is close with, which is Apollo.

"Anong let me explain? Sino nga 'yang lalaking 'yan?" tanong ni manang. Kinuha nito ang wooden spatula at akmang pupunta kay Aiden para paluin ito...

"Manang, please... kalma," pakiusap ko sa kaniya.

Nagtama ang kilay nito at masama akong tinitigan. "Anong kalma ang sinasabi mo, tignan mo nga kayong dalawa, parehas namumula mga mata niyo. Anong ginawa niyo ha? Para kayong baliw na ewan, Ryder, sino 'yang lalaking dinala mo rito, sabihin mo."

"Manang, he's Aiden—" I didn't get to finish what I was going to say nang sumagot si Aiden para sa sarili nito.

"Magandang Gabi po, Manang," panimula niya.

He walked right in front of me and stood his ground. "Pasensya na po kung ganitong oras nang madaling araw ako sumipot sa inyong tahanan. Pasensya na rin po kung walang sabi, at kung nakakabigla po ang pagdating ko."

Both manang and I were listening to how gentle and polite Aiden's voice was. Right now, I begin to realize how much of a gentleman Aiden can be, he is a complete definition of charismatic to be honest.

"Ako nga po pala si Shawn Aiden Manalo, wala po akong masamang ginawa sa alaga niyo, pasensya na rin po kung hindi po ako nagpaalam. Gayunpaman po, wala po akong masamang intensyon kay Ryder, liban na nga lang po ay bumisita ako rito para po malaman ang kalagayan ng alaga niyo, at sa aming dalawa po." Aiden explained with such clarity that left me and manang speechless.

"Hmm... pinaiyak mo ba ang alaga ko ha, Aiden?" tanong ni manang.

Walang pag-aalinlangan ay tumango ang binata. Nagpaliwanag ito, "Opo, nasaktan ko po si Ryder. Dahilan po no'n ang pagpunta ko rito para humingi ng tawad. Susubukan ko pong hindi na maulit ang nangyaring iyon.

Manang let out a scoff, pagkatapos no'n ay lumingon ito sa akin, "Pinatawad mo naman ang lalaking 'yan?" tanong sa akin ni manang.

"Manang naman," angal ko.

"Ano, sagot?" Manang glared at me.

Napabuntonghininga ako. "Manang, believe me, Aiden is a good guy kaya ko siya pinatawad. So please, p'wede bang ibaba mo na 'yang hawak mo kasi para kang nakakita ng multo at hahampasin mo kami na parang kaya mo naman," sagot ko.

Tinaasan ako nito ng kilay, "Aba! Sa tingin mo hindi kita kayang paluin ha, Ryder? Sinasabi ko sa iyo... at bakit nandito 'yang lalaking 'yan e mukha namang ayos na kayo? Pauwiin mo na iyan, anong oras na. Hindi ba't bilin ko ay huwag kang magpupuyat, at lalong-lalo na huwah na huwag kang magdadala ng lalaking hindi ko kilala rito?"

Napabuntonghininga akong muli. "I'm just going to check his hand kasi sinaktan ni Rex 'yung isa niyang kamay."

"Gusto mo saktan ko 'yung kabila para pantay?" sarkasrimong sagot ni Manang.

"Manang naman..." angal ko, "P'wede po bang, just for tonight... I promise wala kaming gagawing kabaliwan o masama, at tsaka manang, kailangan niyo na rin pong magpahinga sigurado ako."

"Ikaw bata ka, tumatanda ka na talaga, hindi ka na bata..." Binaba ni manang ang hawak nito at inayos ang kaniyang suot na pantulog. "Oh siya, palalagpasin ko 'to dahil madaling araw na lang din naman."

Tinuro niya si Aiden. "Ikaw bata ka, sa guest room ka matutulog, huwag na huwag ko lang makikita na nakadikit 'yang katawan mo kay Aiden, kung hindi babalatan kitang buhay," manang threatened.

Not So Typical High School Love Story [On-Going]Where stories live. Discover now