Prologue

126 3 0
                                    

Dear readers,

This is the aftermath of my February thoughts and sleepless nights. I know I still have some ongoing stories, but this one has never left my thoughts until I started writing it and finally shared it with you.



"TITA SHIN! Huwag poo" umiiyak kong pagmamakaawa. Pabagsak akong lumuhod at pinagdikit ang mga palad habang umiiyak para lalo akong kaawaan. Ngunit ang lupit sa mga mata ng tiyahin ko habang walang awa akong pinagmamasdan ay ramdam ko ng wala akong maaasahan.

"Anong gusto mong gawin ko, Celestina? Namatay sa puder ko ang tatay mo, iiwan saakin ang maliliit mo pang kapatid pati ikaw. Ako ang magdudusa nang dahil sa pamilya niyo at kagagawan ng malandi mong nanay. Hindi ako papayag. Ikaw ang magbabayad ng lahat ng ito. Total may lahi ka namang malandi kaya kakayanin mo ito"

Sinenyasan niya ang mga lalaking nakaitim na kunin na ako. Lalong lumakas ang iyak ko sa takot. Ni hindi ko nga sila kilala. Bakit ganito lang niya ako kung ipamigay? Hindi naman ako gamit.

Kung buhay si tatay, hinding hindi niya hahayaan na mangyari ito.

"Ikaw ang dapat ipamigay ko dahil kamukhang kamukha mo ang malandi mong ina. Naaasiwa akong tumingin sayo" sigaw pa ni tita shin saakin habang hinihila ako ng mga nakaitim na lalaki papasok sa isang SUV. Nakaparada ito sa labas ng bakuran namin. Gusto ko pang puntahan si tatay sa hospital bago siya ipalagay sa kabaong.

Gusto kong manlaban ngunit wala akong lakas para gawin iyon. Nilingon ko si tita na matalim ang mga matang nakatingin saakin habang nagpupumiglas sa hawak ng mga lalaki saakin. Pinaglalaruan niya sa mga palad niya ang cheque na naglalaman ng milyong pera kapalit sa akin.

Wala na akong nagawa nang maipasok ako sa sasakyan at kaagad na pinaandar.

"Manahimik ka miss Yolanda. Hindi gusto ni sir ang maiingay"

Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko habang patuloy sa pag iyak. Ano na bang mangyayari saakin ngayon? Papatayin ba nila ako? Bakit nila ako gustong kunin? Ito na ba yung sinasabi ni papa saamin noon na mga lalaking nakasakay sa van at binebenta ang mga laman loob?

"Ang ganda nga niya noh. Galing talaga ni sir pumili. Akala ko nga pangit at mukhang madumi dahil sa eskwater nakatira" natatawang sabi ng isang lalaki sa unahan, katabi ng driver. Nag uusap sila. Pinipigilan ko ang bawat hikbi ko.

"Saan nga ba yan nakita ni sir?"

"Di ba bumisita na yan sa mansion noon? Kasama ang tatay niyang kumukumpuni ng sirang aircon at makina?" Sagot naman ng isa pa sa likuran. Humina ang pag iyak ko sa pakikinig sa usapan nila. Sino bang sir ang tinutukoy nila? Iyon ba ang nag utos sa kanila na dukutin ako? O bilhin sa mukhang pera kong tita?

"Oo nga noh. Nalibugan ata sa ganda" malakas silang nagtawanan. Hindi na lang ako umimik at hinayaan ang sarili na makatulog sa biyahe at para panandaliang makalimutan na naririto ako. Na may panibagong buhay saaking naghihintay. O baka may kamatayan saaking naghihintay sa paroroonan ko. Ang dami-dami ko pa namang pangarap para sa mga nakababata kong kapatid. Pare-pareho na kaming mga ulila at ako ang panganay. Wala man lang akong nagawa para alisin sila sa puder ni tita shin. Paniguradong pagmamalupitan sila nun. Gusto ko na lang tumalon palabas ng sasakyan na ito kahit na malabo dahil nakabantay saakin ang mga estrangherong lalaking ito.

Kahit na natutulog ako ay ramdam ko ang bawat pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Kung hindi pa ako tapikin sa pisngi ng isa sa mga lalaking nakaitim ay hindi ko pa namalayan na tumigil na sa pag andar ang van. Nagsimula na namang mabuhay ang kaba sa dibdib ko. Tahimik kong pinagmasdan ang malaking mansyon na nasa harapan namin. Napalunok ako at nagpatangay sa panghihila ng lalaking iyon. Halos mabali ang braso ko sa lakas ng paghila. Hindi niya ba nakikita na ang payat ko kumpara sa katawan niya? Kung kaladkarin ako akala mo malaking kaaway.

TrappedWhere stories live. Discover now