Chapter Nine

32 1 0
                                    


Natapos nga ang oras namin buong maghapon na walang pumasok na subject teacher. Nasa room lang kami hanggang sa mag time na ng uwian. Tinanong ko ang dalawa kung dadalaw ba sila sa burol, pero ayaw daw nila unless pilitin sila ng kanilang parents na pumunta. Karamihan kasi sa classmates namin ay pupunta ngayong gabi at pati na rin ang mga faculty. Medyo kilala din kasi si Lorraine sa department ng senior highschool dahil sa pagsali nito sa pageant nakaraang taon, kaya marami ang makikiramay sa sakaniya.

Sa loob ng sasakyan, pagkapasok ko ay nagulat ako dahil kumpleto ang tatlong goons at narito din si Dolores. Tahimik lang siya samantalang maiingay ang tatlo niyang kasama. Nakipagsiksikan na lang ako sa may backseat, si Dolores sa tabi ko at sa kabila niya si Randolph samantalang nasa unahan naman si Arthur na siyang nagmamaneho at si Lauro sa may shotgun.

Hindi ko alam kung anong meron dahil na-kumpleto ulit sila sa pag sundo sa akin, ngunit hindi na ako nagtanong dahil hindi pa rin ako maka move on sa mga balita na kumakalat ngayon sa Vigan. Hindi ako maka-move on sa nalamang nakapatay kagabi si Hidler. Hindi ko kayang paniwalaan pero iyon ang totoo. Gusto kong may mapagsabihan ng mga iniisip ko ngayon pero natatakot akong may makaalam na iba sa pangyayaring iyon. Baka makulong si Hidler. Pero di ba yun naman dapat? Kasi masama iyon? Pero kahit na, ayoko siyang makulong.

Napansin kong sa ibang daanan lumiko ang sasakyan at hindi ito ang daan pauwi. Ako lang ang nagtataka kung saan kami patungo ngayon. Tinitingnan ko lang ang mga tanawin sa labas at sa mga dinadaanan ng sasakyan. Mukhang pamilyar, parang papasok ito sa malaking hacienda ng mga Valentino sa may Cabugao. Doon ko lang na-confirm nang may mabasa akong 'Welcome to Cabugao, Ilocos Sur'.

Sumunod na pinasok ng sasakyan ay ang malaking tarangkahan na automatic na bumubukas matapos kilatisin kung sino ang nagmamay-ari ng kotse. Heto na nga ang napakalaking lupain ni Gov. Valentino. Habang dinadaanan namin ang napakaganda at buhay na buhay na hacienda ay makikita ang napakadaming manggagawa na abala sa pagtatrabaho kahit anong oras na.

Kung hindi pa ako kinalabit ni Dolores at sinabihang bumaba na ay hindi ko pa malalaman na nakapag-parking na pala si Arthur. Masiyado akong na-amaze sa tanawin sa malawak na lupain dito.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay bumungad sa paningin ko ang malaking bahay at karamihan sa dingding nito ay gawa sa salamin. Kahit na minsan na akong nakapunta dito ay namamangha pa rin ako ng ganito sa sobrang ganda ng bahay nila. Para itong sikat na pasyalan dahil may malaking estatwa pa dito sa labas na makikita bago pumasok ng tuluyan.

Dito pa lang sa labas ay damang dama mo na kung gaano kayaman at ka-makapangyarihan ang mga taong nakatira rito. Dati daw ay pumapangalawa ang mga Valentino sa pinakamayaman sa buong Ilocos (Ilocos Sur at Ilocos Norte), siguro ngayong pati si Hidler ay may sarili ng negosyo bukod sa negosyo ng kaniyang pamilya ay panigurado sila na ang nangunguna. Idagdag pa ang pagiging politiko ng papa niya.

Sinalubong kami ng mga kasambahay pagkapasok namin ng bahay. Kinuha nila ang bag ko at pina-deretso kami sa may hapag-kainan. Madami ang pagkain na kanilang inihain, hindi iyon pinalampas ng mga kasamahan ko. Tinikman nilang lahat ng pagkain na nasa mesa. Samantalang ako ay konti lang ang kinuha. Wala akong gana na kumain ng napakadami ngayon. Sa dami ng mga nangyayari ay hindi ko kayang ganahan pang kumain.

Nagpaalam ako sa kanilang apat na aalis muna dahil nauna akong matapos sa kanila. Tumango lang si Dolores dahil dinadahan dahan niya ang kaniyang pagkain.

Saktong pagdating ko sa silid tanggapan ay pababa din mula sa ikalawang palapag si ma'am Daniela at Gov. Herbert. Nakaangkla si ma'am i mean tita Daniela sa asawa habang malambing na nagsasalita. May mga bodyguard na naghihintay sa kanila sa labas. Aalis siguro sila ngayon.

Nang makababa sila ay doon pa lang ako nakita ni tita. Yumuko ako sa kanila para bumati at magbigay galang.

"Magandang hapon po"

TrappedWhere stories live. Discover now