Chapter Ten

40 1 0
                                    


Dahil din naman sa akin kung bakit siya napunta sa sitwasyon na ito. Inilagay niya ang sarili niya sa alanganin para lang iligtas ako at ilayo sa mapagsamantalang lalaki. Hindi ko jina-justify ang pag patay niya, pero siguro kasalanan ko naman talaga ang lahat ng ito. Ako ang puno't dulo ng gulo. Kung nanatili na lang sana ako sa mansyon kagaya ng iniuutos niya at lalabas lang kung kasama kina Dolores at ang mga bodyguards, sana wala kaming problema ngayon.

Alam na kaya ni gov ang pangyayaring iyon? Paano kapag kumalat ito sa buong Ilocos at masira ang pangalan niya? Mag-eeleksyon pa naman. Paniguradong palalayasin na ako ni governor Valentino dahil noon pa man hindi na niya gusto ang ideya sa pagtira ko sa bahay ng anak niya.

Sa labas pa lang ng bahay ng mga Bondoc ay rinig na ang ingay. First night pa lang ay marami na ang mga nakikiramay. Dito pa lang ay parang ayoko nang tumuloy. Hinawakan ni Hidler ang kamay ko para pakalmahin ako. Napansin niya kaagad ang pagdadalawang isip ko na pumasok ng bahay.

Nang pumasok kami sa may entrance ay marami ngang tao ang naroon. Nakuha kaagad namin ang atensyon nila. Natanaw ko din kina Eve at Chris na abala sa pakikipag usap sa iilan naming mga kaklase na naroon.  Nang mapatingin din sila sa gawi namin ay na-excite kaagad sila nang makita ako ngunit nawala ang ngiti nang mapansin kung sino ang kasama ko. Lahat sila nakatingin sa kamay namin ni Hidler, kaya kami pinagtitinginan. Doon ko pa lang napansin na magkahawak kamay kaming pumasok.

"Yan na ba ang girlfriend ni Hidler?"

"Nobya ba yan ng anak ni governor?"

"Ang ganda naman ng girlfriend ni Hidler"

"Akala ko ba si miss Javier ang girlfriend niyan"

Ilan sa mga bulungan na narinig ko habang naglalakad kami patungo sa kung nasaan ang mga kasamahan niya kanina. Wala lang naman kay Hidler iyon, pero big deal na naman sa akin. Paano kung pag isipan nila kami ng masama gayong si Kara ang totoo niyang nobya? Pumunta kami sa may kina Conrad at may isang hindi pamilyar na lalaki na may magandang tindig, ito ata ang kaibigan niyang pulis. Nakakatakot ang awra pero nang mapatingin sa akin ay kumindat ito.

Nagpaalam ako kay Hidler na pupunta ako kina eve, since hindi naman ako makasabay sa mga pinag uusapan nila. Tumango lang siya at sinabing huwag akong lalabas. Napansin kong hindi pa nga ako nakakalayo sa kanila ay tinanong kaagad nung lieutenant si Hidler tungkol sa akin. Simple lang ang naging sagot niya sa kaibigan.

"Shut up, Sergio"

Nang makalapit ako kina Eve ay tumigil sila sa pag uusap ni Chris para batiin ako.

"Mabuti nakarating ka. Tinanong namin si Dolores kanina, ayaw mo daw sumama"

"Ayoko nga sana. Binalikan ako ni Hidler" nagkatinginan silang dalawa at parang automatic na nagkaintindihan kahit na hindi magsalita.

"Sobrang guwapo talaga ni kuya Hidler noh. Bagay sila ni ma'am Kara, parehong maganda at guwapo" si Christina. Gusto kong mapanguso sa sinabi niya pero pilit akong tumango at sumang ayon na lang.

"Oo nga. Matagal tagal na rin yang dalawa, simula pa nung umalis si ate sophi" napakunot ang noo ko sa hindi pamilyar na pangalan na binanggit ni  Eva. Bago pa man ako makapag-tanong ay dumaan sa harapan namin si Lorraine. Namumugto ang mga mata nito at tiningnan kaming tatlo isa isa.

"Nakikiramay kami Lorraine" sabay sabay naming wika.

"Salamat" hindi siya nagtaray. Malayo sa inaasahan ko kanina na baka palayasin niya lang ako kapag nakita ako na dumalo. Tipid lang siyang ngumiti saka kami nilagpasan.

Nang mapansin kong masiyadong mabilis ang oras ay hinagilap ko kung nasaan na ang mga kasamahan ko. Nauna na daw kina Dolores kasama kina ma'am Daniela. Hindi ko din mahanap kung nasaan si Hidler. Kung kaya't kinailangan kong lumabas para mag baka sakali na lumabas lang siya saglit. Naabutan ko lang sa may parking lot ang kaibigan niyang si Sergio na naninigarilyo. Tinapon nito ang sigarilyo nang makita ako na naglalakad palapit.

TrappedWhere stories live. Discover now