Chapter Five

33 1 0
                                    


"Hey. Bibili ka? Bili na kayo oh. Mura lang, made with love and full of effort." Maingay na alok ni Eva sa mga dumadaan. Nasa may kiosk kami malapit sa building ng college department. Dahil halos nabilhan na kami ng mga kapwa namin senior highschool ay nag-suggest si Chris na dito naman kami sa parteng ito.

Madami dami akong naimbak na crochet products dahil sa one week na iyon na na-grounded ako. Kung kaya't tinutulungan ako ngayon ng dalawa na mapaubos namin itong ibenta. Nag-offer ako sa kanila na babayaran ko sila kahit aware naman na ako na mayayaman ang mga ito. Syempre hindi pumayag ang dalawa na bayaran ko pa, gusto lang talaga nilang tumulong.

"Is that your prince charming?" Tanong ni Eva habang nakatingin sa malayo. Lumingon ako sa kung saan siya tumitingin ngayon. May lalaking papalapit at may hawak na bulaklak.

Ano na naman ba itong pakulo ng lalaking to?

"Si mr. Cervantes nga iyan. Pumapag-ibig kay miss Yolanda" dugtong naman ni Chris. Napanguso ako at nahihiya sa mga pinagsasabi nila.

Nang makalapit saamin si Aaron at ibinigay saakin ang palumpon ng bulaklak ay nagtitili ang dalawa kong kasama. Parang gusto ko na lang tumakbo palayo dahil sa pinagtitinginan na kami dito ng mga college student. Kahit na nasa gilid lang kami ay agaw pansin ang sigawan ng dalawa.

Nagpasalamat ako sakaniya kahit na hindi ko alam kung anong meron. Sabi niya wala lang naman daw, gusto lang ako na i-remind na nililigawan niya pa rin ako at naghihintay pa rin siya ng sagot ko. Heto na naman tayo sa pakiramdam na parang pine-pressure niya ako na sagutin na siya at huwag ng patagalin ang panliligaw.

Sabay sabay kaming bumalik ng room, ten minutes bago ang next subject ngayong hapon. Bitbit ang bulaklak at mga natitirang crochet products sa may tote bag na dala ko. Si Aaron ang kasabay ko maglakad at nasa likuran namin ang dalawa, nag uusap.

"Alam niyo, dati akala ko ang gustong ligawan ni Aaron si Lorraine. Dumating lang si celes nabaling sakanya ang atensyon" si Eve. May past ba sila ni Lorraine nung grade eleven? Hindi ko yan alam. Kaya siguro ang laki ng galit niya saakin dahil first day of school pa lang nagpapapansin na sakin itong si Aaron. Hinayaan ko lang kasi wala naman akong ideya kung anong nangyari sa kanila sa nakaraan.

"Shut up, Eva"

"Tama naman ako ah"

"Nagandahan yan kay celes. Wala namang panama si Lorraine sa beauty ng friend natin" dugtong naman ni Chris.

Sabi nila, huwag ka dun sa lalaking pinu-pursue ka dahil sa ganda mo dahil darating ang araw na ipagpapalit ka din niyan sa mas maganda sayo. Umaasa lang ako ngayon na magugustuhan din ako ni Aaron sa personalidad na ipinapakita ko, hindi lang dahil sa itsura ko. Kasi diba, karamihan namang relasyon syempre magsisimula sa mata. Magsisimula sa kung anong nakikita mo o sa paghanga.

Pagkapasok namin sa room ng seksyon namin na HUMSS-Virgo-12 ay nandoon na pala si ma'am Julie, ang adviser namin at siyang naka-schedule samin ngayong ala ona ng hapon. Agaw-pansin kaming apat na pumasok ng room, lalo na ako sa dami ng bitbit. Natanaw ko si Lorraine na nakataas ang kilay habang tinitingnan kami ng masama o baka ako lang.

Naalala ko na kinausap siya ni Hidler nung nakaraang lunes ng umaga. Hindi ko alam kung anong sinabi sakaniya dahil hindi naman na ako nagtanong pero batid kong tungkol iyon saakin. Narinig ko ring ipapa-kick out na sana ni Valentino si Lorraine, ganun siya kalakas na kaya niyang utusan ang presidente ng unibersidad para gawin iyon. Pero nagmakaawa lang ang mommy ni Lorraine na patawarin na ang anak niya at nangakong hindi na iyon uulitin.

Mas naawa tuloy ako sa nanay. Wala naman siyang kasalanan at hindi siya ang nakagawa ng pagkakamali pero siya ang bumaba ng pride niya na lumuhod sa harap ni Hidler ng mga oras na iyon. Buong akala ko wala talagang puso ang lalaking iyon at hahayaan lang na mapaalis si Lorraine dahil wala siyang emosyon na nakatingin lang nun kay miss Bondoc.

TrappedWhere stories live. Discover now