Chapter Eleven

46 1 1
                                    


Nasaan kaya siya? Sinabi ko nga naman na ayaw ko nang pakialaman niya pa ang buhay ko pero gusto ko siyang makita. Ganun na lang ba iyon? Pagkatapos ng nangyari sa amin, iiwan niya lang ako? Ni hindi niya man lang ako kinumusta kinaumagahan kung may masakit ba sa akin.

Pagkatapos ng nangyari sa amin sa kubong iyon ay hinatid niya lang ako sa kuwartong inuukupa ko sa bahay ng mga magulang niya. Sabi niya, dinala niya ako doon para makapag usap kami ng mas maayos pero iba ang nangyari. Umalis na lang siya bigla pagkatapos at hindi na muling nagpakita hanggang ngayon, isang linggo na ang lumipas. Nakabalik na kami sa mansyon at lahat pero hindi pa siya bumibisita. Na-konsensya ba siya kasi nag-cheat siya kay Kara? Syempre, malamang, obviously, Celestina. Ikaw naman 'tong tinulak ang sarili sa kaniya tapos ikaw pa rin maghahabol.

Umaasa ba akong pipiliin niya ako kesa sa matagal na niyang nobya? Dahil lang sa nag sex kami ganito na ako mag isip. Baka nga wala lang naman iyon sakaniya. Lagi ko na lang bini-big deal ang lahat. Kahit sa kaniya maliit na bagay lang at normal lang ang lahat.

May isang linggo kaming semestral break. Pinuntahan ako ni ma'am Daniela para daw samahan siya. Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta ay sumama pa rin ako. Mabo-boring lang ako sa mansyon. Niluwagan na naman ni Hidler ang mga bantay sa akin. Minsan nga tinatanong pa ako nina Arthur kung may gusto daw ba akong puntahan, napaka unusual lang. Hindi naman ako sanay kaya mas pinipili kong manatili na lang sa loob. Hindi kagaya ngayon.

"Mangangampanya tayo sa Vigan" sagot ni tita Daniela nang magtanong ako kung saan kami pupunta ngayon.

Tumango na lang ako.

Napansin ko nga din sa labas ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan patungong Vigan, ang sentro ng Ilocos Sur, madaming nagkukumpulang tao na uniform ang mga suot na t-shirt. Election na kasi sa darating na November kaya ganito na naman ka-abala ang mga magka-kandidato.

Mga tauhan lamang ng mga Valentino ang kasama namin ni tita Daniela, may ginagawa kasi si governor kung kaya't hindi ito makakasama sa pag kampanya. Ayon pa kay tita, kailangan talaga nilang kumilos ngayon dahil malakas ang kalaban ngayon ng asawa niya. Dahil daw malakas si gov ngayon sa buong Ilocos at hindi matalo talo ng ibang mga sumusubok na lumaban ay ang dating gobernador din daw ang lalaban ngayon, iyon siguro yung pinalitan ni gov Herbert nung unang beses niya sa pwesto. Ilang taon din daw iyong nanilbihan dito at talaga namang gustong gusto ng mga Ilocano.

Bumaba kami sa may parang malaking bulwagan. Madaming tao ang nag aabang doon. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa mga flyers at marahang naglakad kasunod ni tita Daniela. Kaagad siyang bumati sa mga taong naroon, abot tenga ang ngiti niya at halos parang gusto niyang sambahin ang bawat taong nakikita sa sobrang bait ng awra niya.

Nang mapansin niyang wala akong ginagawa ay lumapit siya sa akin at bumulong.

"Celeste, ngumiti at bumati ka din sa mga taong narito at ipamigay mo yang hawak mong mga flyers"

"Opo"

Ginawa ko yung sinabi ni tita. Sumusunod lang ako sa kaniya, sabi niya pa ay maya maya ay maglilibot pa kami sa buong Vigan dahil bukas ay ibang lugar naman ng Ilocos Sur ang pupuntahan namin. Ganito niya kamahal ang asawa niya na kaya niyang libutin ang lugar nila para lang i-representa ang asawa niya. Ano kayang pakiramdam na maging asawa ang kasing ugali ni Hidler? Parang nakakatakot. Parang ang istrikto ng dating. Parang laging nang-mamanipula.

"Mauubos mo na ah"

"Oo nga po, halos lahat namang narito mukhang boto pa rin kay Gov."

"Mabuti naman" nakangiting sagot ni tita na parang napakagandang bagay ng narinig niya mula sa akin.

Hinila ako ni tita patungo sa may unahan malapit sa stage. Naroon nakatayo ang ibang mga kandidato, iba't ibang kulay ng damit ang kanilang mga nirere-presenta. Ang iba ay kumakain na, mukhang kanina pa dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TrappedWhere stories live. Discover now