Chapter Two

33 1 0
                                    


Pumayag kina Eva na umuwi na muna matapos makapagpahinga ng konting minuto paka-kain. Sinabi ko kasi sa kanila na may pupuntahan ako ngayong hapon at hindi na ako makakatulong. Mabuti na lang at go pa rin sila na bumalik bukas para matapos ang dapat tapusin. Hindi pa kasi kami nangangalahati sa research paper namin. Kung may laptop sana ako, baka mas madami na akong naiambag. Mahirap din kapag mano-mano at puro basa sa libro. Ako lang ata saamin ang nagti-tiyaga magpabalik-balik sa library para manghiram ng libro para sa research namin.

Gaya ng sinabi niya ay naligo na ako at nagbihis ng maayos na damit, yung hindi nakikita ang balat ko. Hindi lang sa dahil iyon ang gusto niya, hindi din naman ako sanay na nagpapakita ng balat sa tuwing lalabas ng bahay. Siguro iyon din ang isa sa kahinaan ko, wala akong kumpiyansa sa sarili.

Suot ang floral dress habang nakalugay ang mahabang buhok ay bumaba na ako. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung nasaan si Dolores. Kahit na hindi niya ako masiyadong kinakausap ay nasanay na rin ako sa presensya niya. Na-miss ko rin kahit papaano ang kasusunod niya sakin. Yung maya't maya niyang pagtanong kung may kailangan ako.

Naabutan ko sa sala kina Arthur, Randolph at Lauro na naglalaro ng baraha. Maiingay sila at panay reklamo ni Randolph sa pandadaya daw ni Arthur. Infairness, hindi sila mukhang mga goon ngayon. Mukhang normal na magkakabarkada lang na naglalaro at nagdadayaan. Binati lang nila ako nang makita ako na pinapanood sila at bumalik ulit sa paglalaro. Hindi ba sila sasama? Mukhang wala naman silang balak na lumabas dahil sa mga itsura nila at nakapambahay pa.

"Ano pang ginagawa mo dito, miss Yolanda? Hinihintay ka na ni boss sa labas ah" pukaw saakin ni Lauro nang mapansing hindi pa ako umaalis sa harapan nila. Bakit hindi nila kaagad sinabi?

Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil patakbo na ako lumabas ng bahay. Muntik pa akong mahulog pababa ng hagdan patungo sa may parking lot. Natanaw kong nakasandal siya sa may hood ng Ferrari. Nang mapansin akong papalapit na ay napalitan ng madilim na tingin ang kaninang seryoso niyang mukha na naghihintay saakin.

"What took you so long?" Inis niyang tanong. Nauna na siyang pumasok ng sasakyan. Pinagbuksan ko ang sarili ko ng pintuan, sa may shotgun ako naka-puwesto. Sumenyas siya na ikabit ko ang seatbelt. Hindi pa man nakakatapos ay pinaharurot na niya ang sasakyan. Kung hindi ko pa tuluyang naikabit ang seatbelt ay baka nakatapon o nakasubsob na ako nang palikuin niya ito patungo sa main road. Diyos ko, kung natakot na ako sa klase ng pagmamaneho ni Randolph ay mas malala ito ngayong nararanasan ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko kahit anong minuto, pwede akong mamatay.

Bakit kasi siya lang ang kasama ko? Mas okay na ako na nandiyan si Dolores at yung tatlong goon. Atleast natatanong at nakakausap ko sila kahit kailan ko gusto. Hindi kagaya nito, mas pipiliin ko na lang na manahimik hanggang sa makarating kami sa pupuntahan kaysa magtanong. Ni hindi man lang nagpe-play ng music kahit mahaba-haba pa ang biyahe. Mabuti pa kina Arthur. Tao ba talaga ito?

Nakita ko sa screen na tinitingnan niya ng directions ay five hours pa daw ang biyahe. Patungo ata kami ng Tondo, Manila since sinabi niya na makikipagkita kami kay tita shin.

Kung hindi ko pa itinanong kina Eva nung nakakasama ko siya minsan, hindi ko pa malalaman na nasa Ilocos Sur pala ako napadpad. Akala ko malapit lang saamin dahil Luzon pa rin daw sabi ni Dolores, nasa northern part na pala ng Luzon. Dati pinapangarap ko lang ang lugar na Ilocos dahil isa daw ito sa most historical places sa Pilipinas. Ngayon doon na ako pagala-gala at nag-aaral.

Kung hindi rin talaga dahil sa kapit nitong kasama ko baka hindi ako nakaapak maski sa entrance ng University of Northern Philippines. Balita ko sobrang higpit daw talaga doon at mostly na nakakapasok ay mga honor students since grade school dahil mahirap ang entrance examination. Tapos ako ni hindi nga dumaan sa tests, nagpasa lang ng requirements tapos may bagsak pa ang cards nung grade eleven. Sabi ni Eva, pasalamat na lang daw ako dahil malakas ang impluwensya ni Valentino sa buong Ilocos. Kung alam lang niya na hindi ko naman ginusto na mapunta dito.

TrappedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz