Chapter Eight

51 2 0
                                    


Pababa na kami mula sa second floor ng club. Mas dumami ang tao kumpara kanina. Madami pa siguro ang nagsidatingan. Hindi ko na mahagilap kung nasaan ang dalawa kong kasama. Saan kaya sila nakarating? Hindi na ako makakapagpaalam na mauuna nang umuwi.

Nakaalalay sa akin si Hidler dahil alam niya na lasing ako. Tinawag siya ni Heron at Conrad para tanungin kung saan siya pupunta, sinabi niya lang na uuwi na siya. Ayaw pa nga sana siyang hayaan dahil hinihintay daw siya ni Kara. Oo nga pala, si Kara na bigla niyang iniwan nang makita ako. Inutusan niya pa ang mga kaibigan niya na ihatid na lang pauwi ang girlfriend niya.

"Sandali po. Yung jacket ko kasi naiwan ko sa may table. Hiniram ko lang yun" pigil ko bago pa kami makalabas ng club.

"Where?"

"Sa may malapit sa dancefloor" tinuro ko sa kaniya ang direksyon kung saan.

"I'll get it. Wait for me, do not go anywhere" napanguso na lang ako dahil sa paraan niya ng pagkausap sa akin.

"Oo na. Hindi mo ako aso"

"No you're not"

Iniwan niya ako mag isa malapit sa may entrance door para hagilapin ang jacket ni Eva. Nakakahiya naman kasi, pinahiram na nga ako wawalain ko pa.

Tahimik akong naghihintay sa tabi dahil ang daming pumapasok at lumalabas ng club. Lalo akong nahihilo sa likot ng mga tao dito sa baba at malapit pa sa daanan. Labas pasok at hindi magkamayaw sa kakadaan sa harapan ko.

"Miss ganda. Sabi ko na nga ba makikita pa rin kita" nabuhay muli ang takot sa loob ko nang bigla na naman akong nilapitan ng bouncer na kanina ay halatang halata na may kakaiba sa mga tingin niya sa akin.

Lumayo ako at pilit na binabalewala na lang siya para huwag ng magpumilit ng kaniyang sarili pero lalo lang itong lumalapit. Sinubukan niya akong hipuan sa braso pababa, sa takot ko ay humanda na akong tumakbo palayo at hanapin si Hidler pero nahawakan niya ang dress ko at narinig ko pa ang pag punit nito. Napayakap ako sa sarili ko, baka masilipan ako. Yun na ang inisip ko sa halip na lumayo at iligtas ang sarili.

Napangisi ito ng nakakatakot at hinila ako palabas ng club. Nagpupumiglas ako pero malakas ito. Kinaladkad ako nito palayo sa matao. Sumisigaw ako pero walang sumubok na tulungan ako. Kung iiyak ako ngayon ay lalo niya akong mapagsasamantalahan dahil sign iyon ng pagiging mahina.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko para halikan ako sa leeg. Gusto ko na lang na mamatay ngayon kung tuluyan niyang magagawa ang binabalak niya. Sumigaw ulit ako pero tinakpan niya lang bibig ko.

Tanging alam ko lang ng mga oras na yun ay bigla na lang may kumabig sa malaking bouncer na ito palayo sa akin at napasigaw sa biglang sumapak sa kaniya. Bumagsak ito sa lupa sa sobrang lakas ng suntok. Hindi pa nakontento si Hidler, kinabig niya pa ito patayo para dagukan at hinampas ang ulo sa may sasakyan na malapit sa amin.

Sa bilis ng pangyayari ay para akong na-trauma at nadagdagan ang takot ko sa dami ng dugo na natamo ng bouncer. Hindi na din ito gumagalaw.

Wala man lang sinabi kahit isang salita si Hidler. Nakasunod sa kaniya ang dalawa niyang kaibigan, nagtatanong kung nakita na daw ba ako. Nagulat na lang sila sa naabutan.

"Get rid of his body" utos ni Hidler. Madilim niya akong tiningnan at dumapo ang tingin niya sa katawan ko na kitang kita na ang strapless bra at ang hita ko dahil sa pagkapunit ng damit. Nang mapansin niyang gulat na gulat ang mga kaibigan niyang nakatingin sa akin ay sumenyas siya ng kung ano. "Look the fuck away" natataranta kina Conrad na umiwas ng tingin at pinagtulungan nila ang katawan ng bouncer.

Mabuti na lang at walang katao tao dito. Pwede siyang makulong sa ginawa niyang iyon.

Niyaya niya ako papasok sa sasakyan niya di kalayuan. Sa shotgun seat ako at sa driver's seat siya. Tahimik pa rin ito at may kinukuha sa may maliit na drawer. Ang bilis ng mga galaw niya kanina na parang sanay na sanay siya makipag away. Hindi ko akalain na basagulero pala siyang lalaki. Ang pormal niya madalas na hindi mo maiisip na kaya niyang pumatay gamit ang mga kamay niya.

TrappedWhere stories live. Discover now