Chapter Three

27 1 0
                                    


Alas dies ng umaga na kami nakarating ng Alta Mira, Bantay, Ilocos Sur. Nang maibaba ako ni Hidler ay umalis din siya kaagad, may pupuntahan pa siguro at sobrang late na kaya nagmamadali. Mahina lang yung boses ko kanina nang magpasalamat ako, sana narinig niya. Hindi ko alam kung saan na ako pupulutin ngayon kung iniwan niya ako sa Tondo.

Pagkapasok ko ng mansyon, hindi na ako nagulat nang makitang nakalinya doon kina Arthur, Randolph, Lauro at Dolores, inaabangan ang pagpasok ko. Tumigil ako sa harapan nila at tiningnan sila isa-isa.

"Saan kayo naumagahan?" Sa hotel. Ganon lang kadali sagutin ang paunang tanong ni Dolores pero alam ko na kaagad ang unang ideya na papasok sa utak nila kaya hindi ako sumagot.

"Kasama mo si boss?" Tanong naman ni Randolph. Tumango lang ako.

"Paanong nagpaumaga yun kasama ka? May importanteng meeting iyon ngayon kasama kina Conrad at Heron. Hindi yun nagpapa-late" dugtong naman ni Lauro at parang ayaw pa ako paniwalaan dahil kilala niya ang boss niya.

"Ano ba kayo, hindi yun magpapa-late sa wala si boss" si Arthur. Tiningnan niya ako ng makahulugan. "Ano, gaano kagaling si Valentino? Sumakit ba panga mo?" Nagloading pa ako ng ilang minuto hanggang sa na-realize ko na..

"Kadiri naman" sagot ko at napaganguso. Nagtawanan silang lahat kaya tinalikuran ko na lang. Baka mapansin pa nila ang pangangamatis ng pisngi ko.  Dumeretso ako sa taas sa kuwarto ko para ipagpatuloy ang mga school works.

Pagdating ng mga bandang alas dos ng hapon ay nagsidatingan ulit kina eve, christy, Roger at Aaron. Tinapos muna namin ang kaniya-kaniya naming parts sa research bago nag proceed sa kabilang subject. Kagaya kahapon ay hinatiran kami ng mga snack foods at natatagalan kami minsan dahil ang ingay-ingay ni Christina pero nakikinig pa din naman kami sa mga sinasabi niya.

Pagkatapos gawin ni Christy ang mga parts niya ay ibibigay saakin para ipa-check, ending parang ako na din naman ang gumagawa ng parts niya dahil madaming mali kaya nilalagyan ko ng correction. Abala naman na sila sa kaniya kaniyang cellphone at wala akong ibang pagkakaabalahan kundi ito, kaya pinagtiyagaan kong matapos namin ito ngayon.

Alas kuwatro ay nagpaalam na silang uuwi na dahil may pasok pa bukas. Nanghihinayang pa nga na umuwi si Christina dahil akala niya daw ay masisilayan na naman niya si Conrad o si Hidler dito. Sinabi kong bibihira lang mapunta iyon dito.  Nagpahabol pa siya na sabihan ko siya kung pupunta dito para kunwari bibisita ulit daw siya para sa school activities namin. Paano ko naman malalaman? Alangan namang magtanong ako kung kailan ang mga araw na babalik sila dito sa bahay niya.

Habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang mga pinapagawa sa mga subjects. Lalo din akong nahihirapan dahil iba na ang panahon ngayon. Kawawa ka kapag wala kang gadget ni isa. Maliban sa nagagamit ito sa komunikasyon ay maaari ding makatulong sa mga gawain sa school sa pamamagitan ng pag-research sa internet. Ang hirap maging estudyante. Hindi naman nga ako nagugutom pero wala namang cellphone kahit yung lumang model. Nahihiya naman akong mag-demand kay Hidler, baka tuluyan na akong palayasin.

Kaya ako nabu-bully lagi nina Lorraine dahil sa pagiging ganito ko, walang alam sa teknolohiya. Akala nila galing ako sa kung saan dahil ang wirdo ko. Siguro kaya walang masiyadong lumalapit saakin para makipag-kaibigan dahil inaakala nilang napaka-wirdo kong babae o kaya nai-intimidate sila sa pagiging tahimik ko. Hindi ko naman kasalanan na ganito ang personality ko.

Lumipas ang mga araw hinayaan ko na din si Aaron na manligaw saakin. Syempre sinabi ko iyon kay Dolores, ayos lang naman sakaniya at ika pa nito ay normal lang daw ito lalo na sa teenager na katulad ko at curious sa mga bagay-bagay. Lalong nadagdagan ang inis at pagkamuhi saakin ni Lorraine nang kumalat ang balitang iyon. Pinalalabas niya na inagaw ko daw sakaniya si Evangeline at si Aaron. Wala naman akong inaagaw kung tutuusin. Alangan namang ipagtabuyan ko ang dalawang iyon dahil lang kay Lorraine.

TrappedWhere stories live. Discover now