Chapter Four

37 1 0
                                    


Grounded ako. Ilang araw akong ikinulong sa loob ng kwarto. Hindi ako nag-reklamo dahil syempre wala akong karapatan. Hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko, na i-justify ang katotohanang wala naman talaga akong ginawang pandaraya sa klase. Nakonsensya ako sa sinabi ni Hidler na isang malaking kahihiyan iyon sakaniya dito sa buong Ilocos. Nag-ampon siya ng isang kagaya ko. Kaya kinailangan niyang huwag akong palabasin ng ilang araw. Hindi ako naka-attend ng klase sa buong linggo na iyon.

Gusto ko na lang maiyak sa isipin na-missed ko ang buong midterm examination week. Lalo ako nitong mababagsak at hindi makakapasa. Sinabihan ko na si Dolores na kailangan ko ng pumasok pero hindi niya ako pinakinggan. Sabi niya yung utos lang ng boss ang kaniyang susundin. Wala akong magagawa kundi manatili lamang dito sa loob ng mansyon.

Wala akong cellphone kaya hindi ako makakapagtanong kina eva kung ano ng ganap nila sa school.

Malungkot akong nanonood ng TV sa may sala habang pinagkakaabalahan ang pag-crochet, wala naman akong ibang gagawi. Alangan namang mag-review pa ako eh tapos na yung exam namin. Nasa may kabilang couch kina Dolores at ang tatlong bodyguard. Nakabantay sila parati saakin nitong buong linggo.

Nang makarinig kami ng sasakyan mula sa labas ay napatayo sila ng sabay-sabay. Hindi na ako sumunod sa kanila since alam ko naman na kung sino ang bibisita sa ganitong araw.

"Ma'am Daniela." Parang gulat silang lahat sa kung sino ang dumating. Tumigil ako sa pagco-crochet para lumingon kung sino ang nandiyan.

"Hello people! Where's Celeste?" Magiliw nitong bati. Yung mama pala ito ni hidler. Nakilala ko na siya nung unang linggo ko dito sa mansyon. Akala ko sobrang taray niya at malupit din kagaya ni tita. Dahil napaka sopistikada at elegante nito tingnan. Nang makilala ko siya walang kaarte-arte. Napaka friendly. Bibihira nga lang siya mapadpad dito. Hindi kasi sila taga-rito sa Bantay, Ilocos. At gusto ko ang tawag niya saakin, parang ang yaman yaman ko din kagaya nila. "There you are. May ginagawa ka, hija?" Lumapit ito saakin para tingnan kung anong ginagawa ko.

"Crochet po"

"Yan lang pala, pwede mo naman ipagpaliban. Magpapasama sana ako" Oh my god. Ibig sabihin makakalabas ako—

"Ah-eh ma'am Daniela, grounded po kasi si miss Yolanda ngayong linggo" o hindi. Nawalan na naman tuloy ako ng pag asa na makalabas kahit ngayon lang. Napanguso ako at napansin ni ma'am Daniela ang pagkalungkot ko sa sinabi ng bantay ko.

"Please not now, Dolores. Wala naman dito si Hidler" inirapan ni ma'am Daniela si Dolores. Naiinis siya sa paglapit pa nito saamin para pigilan siya na ilabas ako ngayon sa mansyon. Pinatayo ako ni ma'am para pagbihisin sa itaas.

"Pero ma'am Daniela, mapapagalitan po kami ni boss"

"Then I'll tell him that it's my fault. I just want a company right now" iritado ng ulit pa ni ma'am. Hindi na pinakinggan ang mga bantay ko. Hinintay niya akong makapagbihis. Hindi nagpapigil na mailabas ako ng mansyon na iyon. Nakahinga lang siguro ako ng maluwag nang tuluyan ng makalayo ang sasakyan niya sa bahay at sigurado na ako na hindi na kami mapipigilan pa ni Dolores. Kilala ko ang babaeng yun kung gaano katapat sa boss nila. Ni hindi iyon pumalya sa pagsunod sa lahat ng iniuutos ni Hidler sakaniya.

Tuwang tuwa ako nang makaluwas kami ng Bantay. Nabasa ko ang malaking nakasulat sa Arko na 'Welcome Sta. Maria, Ilocos Sur' sa panibagong lugar na pinasok namin. Ngayon lang ako nakapunta dito. Parati lang ako sa Vigan at Bantay, papalit palit. Parang mas maganda sa parteng ito. Magaganda ang mga establisyemento na nakatayo. Medyo may mga building pa din na historical style, pero di maipagkakaila na maunlad ang lugar.

Itinigil ni ma'am Daniela ang sasakyan sa tapat ng mall, di kalayuan. Ngayon lang ulit ako makakaapak sa lugar na ganito kung hindi niya pa ako dito dinala. Tanging fitted jeans at hugging shirt lang ang suot ko ngayon, simple pero kuhang kuha ang hubog ng katawan ko. Sa edad kong ito at sa tangkad, madalas pa rin akong napagkakamalang college student.

TrappedWhere stories live. Discover now