C24

56 5 0
                                    

PLEASE, SAY YES.

          Dumating ang mga guard sa amusement park at agad akong hinawakan sa mga braso.

"Sir, let her go." Pakiusap ni Laurent sa mga guard.

"Pero—"

"I'll make sure that she'll not going to do that again. So please.."

Alanganin akong binitawan ng guard sa braso. Nakita ko ang babae na nagpupumiglas sa nakahawak rin sa kaniya. Ang mga munti niyang luha na umaagos, ang magugulo niyang buhok at dumudugo niyang ilong ay agad kong napansin.

Deserve niya to.

"Let me go you dumb ugly guard!"

Sigaw ng sigaw ang babae na sumabubot sakin. Habang ako naman ay niyakap na ng tuluyan ni Laurent.

"Are you okay? Is there something hurt?"

Tumango lang ako sa kaniya at idiniin ang ulo sa kaniyang dibdib. Ramdam ko ang kamay niyang niyakap rin ang likod ko.

"Hey bitch! I'm going to kill you! Oh my god! My nose!" Tinignan ko ang babae at kita ko ang pagpunas niya sa dumudugo niyang ilong.

"What's happened sir?" Binitawan ako ni Laurent at agad humarap sa guard.

"We were just having fun with my girlfriend when suddenly.." Tumigil siya at lumingonsa babae. "This girl right here attacked my girl." Turo niya sa babae bago ako hinapit ako sa bewang.

Hindi ako makasalita dahil sa kahihiyan at guilt. Nahihiya sa kaniya dahil nakita niya akong makipag-away. Guilt dahil mukhang nasira ko ang date namin.

"Iyon lang po ba sir?"

"Yes. And please, keep that woman away first. I don't know what else she can do to my girl while we are enjoying ourselves at your amusement park."

"Okay po sir." Tumango sa kaniya ang guard.

May sinenyas ang guard sa nakahawak sa babae.

"Let me go! Let me go!" Hinila na nila ang babae sa kung saan.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at agad nagtagpo ulit sa dibdib ni Laurent dahil nakita ko ang mga taong nakatingin sa'min. Napansin naman agad ni Laurent ang pinapahiwatig ko kaya agad niya na akong hinila sa wala masiyadong tao.

"Are you okay? May masakit ba?" Aniya nang may pag-aalala sa boses.

Hindi ko siya sinagot at yumuko lang.

"Tell me please.." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit hinuhuli ang mata ko.

"S-sorry.." Nabasag ang boses ko nang sabihin ko 'yon.

Nagiguilty ako dahil sa nangyari.

"Why are you saying sorry to me? I'm asking if you're okay.."

Tuluyan ng bumuhos ang luha ko dahil sa sinabi niya. Sa kabila ng pagsira ko ng araw na ito, nagawa niya paring tanungin ako kung ayos lang ba ako. Hindi siya nagalit.

"Shh.. I'm here.. no one can hurt you again." Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"S-sorry.. nasira ko ang araw na 'to." Sambit ko sa gitna ng yakap namin.

"No. Hindi ito nasira okay? Pwede pa naman nating ituloy. Tara?"

Inangat ko ang tingin sa kaniya at tinitigan ang kaniyang mukha. Naghihintay siya ng sasabihin ko pero wala akong balak mag salita. Gusto ko lang makita ang mukha niya dahil parang iyon ang nagpapakalma sakin.

Please, Say Yes.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora