III

320 15 0
                                    

BELLA


Isang matangkad at medjo may pagkabalingkinitan na babae ang kasama ni Nanay pagpasok niyang muli sa mansyon.


Di ko pa masyadong kita yung mukha niya kasi nakatalikod ito sa akin. Pero yung pormahan, infairness huh, ang astig!


Sino kaya to? Kilala for sure ni nanay, pinapasok eh. She has this aura na pagnakikita mo siya kahit nakatalikod pa siya mapapatitig kang talaga sa kanya.


Hmmmm, ano kaya hitsura niya paghaharap? O kaya makita sa malapitan?


Napahigit ko ang aking hininga ng bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko. Kinakabahan akong biglang nagtago kahit di naman kailangan dahil di naman niya ako makikita dito mula sa kinatatayuan niya.


Geeeezzz, that was close.ani ko sa sarili ko.


"Bella , anak, tapos ka ba diyan?!" tanong sa akin ni Nanay Dory habang papalapit sa akin.


Nag-ayos ako sa sarili ko agad para hindi niya mahalatang medjo nate-tense ako ngayon na hindi ko alam.


"Ahhhmm,, yes po, bakit po nay?"tanong ko rin sa kanya pagkalapit niya sa akin.

"Ah, eh , andiyan na yung bagong bodyguard mo. Halika dun sa sala at ipakikilala ko siya sayo. "nakangiting sabi ni Nanay sa akin.


Nakakunot noo akong nakatitig sa kanya.


Sino? Yung babaeng kasama niya kanina? Yun yung magiging bodyguard ko?

There's no fu***n way.


"Babae po yung magiging bodyguard ko nay?"di ko napigilang bulalas sa kanya.Napapailing na lamang ako.

"Ay nakita mo na pala siya? Tara dun ng makilala mo na ulit ang bunso ko."excited na hila ni nanay sa akin papuntang sala.


Habang papalapit kami sa kinaroroonan ng babaeng nakatalikod pa rin sa akin,palakas rin ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh sanay na naman ako sa ganito.

Malapit na kami sa kinaroroonan niya ng bigla itong lumingon sa gawi namin.Napatigil ako bigla sa aking paglalakad at napahigit ko aking hininga ng tinitigan niya ako at ngumiti sa akin.

Parang slow motion ang naging dating nito sa akin.


Sheeeemms , why she's so beautiful handsome? Her eyes is like saying something as her mouth couldn't say it. Ang expressive ng mga mata niya. Damn!Ang ganda ng porma ng mga pilik mata niya. Her smile is like......


Di ko na natapos pa ang pagde daydream ko ng biglang itong magsalita na ikanainis ko.


"Ganito mo ba siya pinalaki Nay? Parang laging lutang?"ani nitong seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

"And who are u anyways?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya and then I crossed my arms in my chest,and giving her an intense look just to divert what I've feel right now.

The BodyguardWhere stories live. Discover now