VI

238 17 3
                                    

FRANELLEY ANN


It's already 2am ng makauwi kami sa mansyon. Buti nalang talaga at wala rito ang daddy niya kundi baka pati ako lagot.

Mabuti rin lang at di active sa SocMed sina tatay at nanay.


Nasa loob pa rin kami ng kotse niya dahil kailangan ko munang kumuha ng lakas para makarga ko ang isang prinsesang mahimbing na natutulog sa tabi ko.


Pumikit ako para mawala yung pagkahilo ko kahit saglit.

Nilingon ko ang babaeng mahimbing na natutulog sa passenger's seat.

Di ko maiwasang mamangha sa ka-kyutan niya,saktong nakaharap sa akin ang mukha niya.


"Ang bait mo pagtulog. Sana ganyan ka rin paggising mo". Saad ko habang matiim na nakatitig sa maamong mukha niya.


Hinawi ko ang mga maliliit na hibla ng buhok na nakalaylay sa mukha niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng bigla siyang gumalaw.

Nag-iba lang siya ng posisyon pala.


I decided to wake her up sana kaso parang ang hirap na niyang gisingin kaya lumabas nalang ako ng kotse at nagpunta sa side niya.


I had to carry her cause she's not waking up kahit sinubukan ko siyang gisingin.



Pagkapasok ko sa loob agad ko siyang inilapag sa sofa. Hindi ko na siya kaya pang dalhin sa taas at ayoko ring ang mga guards ang maghahatid sa kaniya sa taas.

I stretched my back dahil sumakit ito sa pagkarga ko sa kanya.



"Ang bigat mong payatot ka! Maglalasing ka na nga lang dapat magtira ka naman para sa pag-uwi mo!"reklamo ko pagkatapos habang minamasahe ko ang balakang ko.


Di naman siya masyadong payat pero bakit ang bigat.


I took some of her pillows and blankets sa kwarto niya at inilagay ko sa kanya pagbalik ko.


Di ko siya pwedeng iwan rito kahit may mga guard sa labas ng bahay nila. I had to accompany her here kaya kumuha na rin ako ng kumot sa kwartong uukopahin ko, sa guest room.


Sa baba lang ng sofa ako pumuwesto kung saan siya natutulog. I turned off the lights sa chandelier and let the lampshades on para may kunting liwanag naman.


I let out a sigh of relief ng lumapat ang likod ko sa foam na hinigaan ko.


Makukuha ko na sana ang tulog ko ng biglang,



"Waaaah!!! Intruder!!"


Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong sala!


Napabalikwas ako dahil sa gulat. Bigla ring bumukas ang pintoan at nagsipasukan ang dalawang guards na nakabantay sa harap ng pintuan ng mansyon nila.

The BodyguardWhere stories live. Discover now