XXI

239 15 3
                                    

FRANELLEY ANN



Isang maputing kisame ang bumungad sa aking paningin ng magmulat ako. Medyo malabo rin ang paningin ko kaya ipinikit ko ito muli. Nanunuyo rin ang mga lalamunan ko. Gusto kong uminom pero di ko alam paano. Hindi ko masyadong maigalaw ang mga braso ko na tila ba wala itong lakas. Nagmulat akong muli at inilibot ang paningin ko at napagtanto kong parang nasa ospital ako. May mga kung anong nakakabit sa katawan. Ginalaw kong muli ang kamay ko para sana makahingi ng tubig sa taong natutulog sa tabi ko.

Nag-angat ng ulo ang taong natutulog sa tabi ko. It's ate Franz. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Sa kadahilanan na ang taong inaasam kong makita ay wala rito.

"E- elley?! Wait! Tatawagin ko ang doctor!" natatarantang saad nito saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Napapikit akong muli ng may kumirot bigla sa tagiliran ko. Nag flashback agad ang lahat ng nangyari sa akin sa araw na yun.

Nagpang-abot kami ni Ken sa harap ng University. I was about to enter the Univ when I notice him so I confronted him. The confrontation heated. It leads to Ken to stabbed me. Hindi ako nakailag dahil sa may nakahawak din sa akin na dalawang kasamahan niya noon. Hindi ko inaasahan na may mga kasama pala siya. It was quick though at hindi ko rin inasahang sasaksakin niya ako.  Walang nakakakita sa amin dahil sa isang eskinita kami nag-aaway. Nawalan man ako ng malay pero saglit lang. Enough para masundan ko kung saan siya pupunta. Halos lahat ng taong nadadaanan ko ay napapatingin sa akin dahil sa hitsura ko na puno ng dugo ang katawan. Buti nalang at hindi nakuha ni Ken ang baril ko. Hindi rin siguro nila ito nahalata dahil sa paa ko ito nilagay. I was attacked by surprised kaya hindi ko nagawang makaganti.

Nalaman ko mula kay Engrid na pupuntahan nila sina Ara sa labas ng Univ. ng tawagan ko ito habang tinitiis ko ang sakit ng sugat ko.Sinabi niya sa akin ang pangalan ng establishment at adress nito. Doon na ako nagtungo dahil paniguradong doon din ang punta ni Ken. Si Ara ang pakay nito at alam kong susundan niya ito saan man ito magtungo. At hindi nga ako nagkakamali ng makita ko si Ken mas lalong uminit ang ulo ko dahil hinostage niya si Ara.

I possitioned my body enough para makaporma ako sa pag-asinta sa baikat ni Ken ng hindi matatamaan si Ara. Medyo delikado ang gagawin ko dahil magalaw si Ken. Ng masiguro kong pwede na, huminga muna ako ng isang malalim na hininga saka ko kinalabit ang gatilyo nito. Nabitawan nito si Ara kasabay ng pagbagsak ng katawan nito ang pagputok ng baril ko.

Nakita ko si Ara na nakatitig sa akin at nakita ko ang pagtataka sa mukha nito. Hindi ko na maigalaw pa ang katawan ko dahil nararamdaman ko na ang pamamanhid nito. Gusto ko siyang puntahan at yakapin dahil alam kong takot siya pero di ko magawa.

Nilapitan ako nina ate Franz at inalalayan ng tuluyan akong bumagsak. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko habang nakatingin sa nag-aalalang tingin ng papalayong si Ara.

Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng maramdaman kong may mga taong papasok ng kwartong kinaroroonan ko. Si ate Franz ang iniluwa ng pintuan , kasama na niya ang doctor at mga nurse. Agad nitong tsinek ang vital signs ko. Pati ang mata ko ay tsinek din. And it seems, it's normal. Pagod ang mga matang sinundan ko sila ng tingin sa mga ginawa nilang test sa katawan ko.

"There's nothing to worry with her maam, ok na po ang kapatid niyo. Ligtas na siya sa kapahamakan."nakangiting balita ng doctor kay ate Franz.

Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha nito sa magandang balita na hatid ng doctor. I smiled too sa kabila ng panghihina ko.

"P-pahingi n-ng t-tubig a-ate."mahinang sambit ko.

The BodyguardWhere stories live. Discover now