XX

269 18 1
                                    


ARRABELLA PATRICIA



Literal na marami akong kasama ngayon sa pagpasok ko sa school. Nakakairita na sa pakiramdam dahil marami ang nakabantay sayo. Wala kasi si Franey kaya pinasamahan ako ni daddy ng iba. Hindi ko alam kung umuwi ba siya uli ng mansyon kagabi kasi wala naman siya paggising ko kaninang umaga.

At hindi ako comportable kasi habang naglalakad kami sa pasilyo papuntang room ko, halos lahat ng tingin at atensyon ng mga estudyante ay nasa amin na.

Sino ba naman ang hindi diba, kasama ko lang naman ang isa sa mga sikat na artista ngayon at isa rin sa mga anak ng shareholder ng University kung saan ako nag-aaral. It's ate Rhian, my cousin. Kasama ko rin ngayon ang mga kuya ko, sina kuya Aldwin and Aedan, at pati na rin si ate Franz.

Ang ibang estudyante ay nangingilag sa amin habang dumaan kami pero mas nangingibabaw pa rin yung mangha at paghanga sa mga kasama ko.

Nasa likod ko lang naman sila habang sinusundan nila ako. Dahil hindi ko na matiis ang sarili ko huminto ako bigla dahilan para magkabanggaan sina ate Riri and ate Franz sa isat-isa. Sila kasi ang magkasunod sa likod ko.


"Ano ba?!"bulyaw ni ate Franz.


"It's not my fault! It's her!"angal ni ate Riri atsaka itinuro pa ako.


Napakamot ako sa sintido ko dahil nagbabangayan na naman ang dalawa. Everytime they bumped each other hindi talaga pwedeng hindi sila mag-aaway eh. Tsk!


"Stop it both of you!"iritang saad ko sa kanila. Tinignan ko sila ng masama, buti at tumahimik sila.


"Anong nangyari bunso?"malambing na tanong ni kuya Aldwin.


"Wala kuya."saad ko sabay yuko. "I'm just embarassed."


"Why?" takang tanong niya atsaka inangat ang mukha ko.


"They're staring at us!"nahihiya na naghihimutok na saad ko.


Tumawa siya bigla saka ako inakbayan at ginulo ang buhok ko.


"Don't worry baby namin, hatid ka lang namin then doon kami sa office ni Engrid tatambay."saad ni kuya sa amin.


"Please kahit ngayon na kayo pumunta! Sho! Sho!" taboy ko sa kanila.


Itinulak ko si kuya at yung iba pa papuntang office ni maam Engrid.

Malapit rin naman ako sa room ko kaya ok na kahit wala sila sa tabi ko. Alam ko rin naman na hindi lang sila ang andito na nakabantay sa akin. May mga umaaligid ring mga bodyguard na naka civilian lang at nakakalat kung saan-saan dito sa school.


"Giiiirlll!!" isang matinis na tinig ang umalingangaw sa pasilyo.


Paglingon ko, si Neri pala. Nakaawang na yung bisig niya papunta sa akin. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin. Potek parang ang tagal naming hindi nagkita ah kung tutuusin nagkita naman kami noong isang araw.

The BodyguardWhere stories live. Discover now