XXII

256 23 2
                                    


FRANELLEY ANN


Hampas ng malamig na hangin na mula sa dagat ang dumadampi sa balat ko sa hapong ito. Nakaupo lang ako rito sa isa sa mga bench sa may dalampasigan habang tahimik na pinagmamasadan ang magandang dapit hapon kung saan papalubog na ang araw. Nagmistulang kulay kahel ang buong langit dahil sa kulay ng araw na papalubog.

Kung gaano ka kaganda at kapayapa ang kapaligiran ko, kabaliktaran naman ito sa nararamdaman ko. Humihikbi ang puso ko dahil sa paglipas ng mga araw patuloy akong nangungulila sa taong mahal ko.

Papalubog na ang araw kasabay ng papalubog kong puso na patuloy sa pangungulila sa kanya. Ang tagal na mula ng huling naming pagkikita. Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami. Wala na akong balita sa kanya. Simula noong magkamalay ako.

Ang sabi ni ate, ni hindi ito dumalaw kahit pa noong bago pa ito lumuwak pa New Zealand. Siguro hindi pa ganoon kalalim ang ang nararamdaman niya sa akin.

Dalawang linggo na rin akong nandito. Mula paglabas ko dumretso na kami rito. At simula noon, hindi na ako tumanggap ng bisita kahit pa mga magulang at kapatid ko. Sa tuwing nagpupumta sila rito para bisitahin ako, hindi ko sila hinaharap.Ayoko silang makita dahil sila ang nagpapa-alala sa akin kay Ara.


"F'A!"

Tawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran bagay na ikinalingon ko.

It's Maan. Dali-dali kong pinahid ang ilang butil ng luhang umalpas sa mga mata ko bago pa man siya makalapit sa akin.


"May bisita ka F'A!"ani nito pagkalapit.


Tiningala ko siya at tinaasan ko ng kilay. 

"Ayaw ko ng bisita, Maan. Alam mo yan!"inis na saad ko sa kanya. Saka ko muling itinuon ang tingin ko sa dagat.


"Ahhh, k-kasi...." – Maan.


"Bugbog gusto mo?!"


Hindi natapos ni Maan ang sasabihin nito dahil may sumabat. Paglingon ko, gayun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Engrid at Austin.

Pinanliitan ko sila ng mata pagkatapos.


"Anong ginagawa niyo rito?!"inis kong tanong sa mga ito.


Isang batok ang natikman ko mula kay Austin ng bigla itong lumapit. Di ako nakailag dahil mabilis ang ginawa nito. Napahimas ako sa batok ko dahil sa sakit. Isang matalim na tinging ang pinukol ko rito. 


"Magaling na'to Grid, lumalaban na eh!"pinanlakihan ako ng matang saad ni Austin sa akin.


"Masakit yun Austin huh, kala mo!"inis kong saad rito.


"Oh! Shut up! May kasalan ka pa sa amin!"inis na saad ni Engrid sa akin.


"What did I do?"kibit balikat kong tanong. Inirapan ko silang dalawa. "Ang tahimik na ng buhay ko, nanggugulo pa kayo!"


"Ahhm, exuse me po. F'A kuha lang ako ng maiinom niyo huh."singit ni Maan sa usapan namin.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon