XIX

300 20 3
                                    

FRANELLEY ANN


Sinadya kong gabi na ng bumalik sa mansion para hindi na kami magpang-abot ni Ara or ni sir Armand. Mabigat ang loob kong umuwi dito sa mansion after ng pag-uusap namin ng ama at kapatid ko.

Pero nagitla ako ng madatnan ko siya sa loob ng kwarto ko na mahimbing ng natutulog. Dahan-dahan akong pumasok para di makalikha ng ingay. Lumapit ako sa may bandang uluhan niya at lumuhod para mas makita ko pang lalo ang mukha niya. Maliwanag naman sa may bandang roon dahil sa liwanag na dulot ng lampshade.

I gently tuck her hair on her ears that was covering in her face. I smiled upon seeing her angelic face.

"I already fallen for you,Ara. I wish I can be this close to you in the near future, Ara."bulong ko sa kanya.

Tinitigan ko siya ng buong puso. Di ko napansin may luhang tumulo na pala sa mga mata ko. Pinahid ko ito saka muling tumayo at hinalikan muna ang ulo niya bago tumalikod.

Papaalis na sana ako ng biglang may humawak sa mga kamay ko. Nilingon ko ito at napagtantong gising si Ara.

"F-franey?"tawag niya sakin in her sleepy voice. Nakapikit pa man din ito.

"How do you know it's me?"takang tanong ko sa kanya.

She smile a little bago nagsalita. "How wouldn't I? Sa tagal nating pagsasama Franey , bango mo pa lang,I can already tell na ikaw to."saad niya saka tuluyan na niyang binuksan ang mata niya.

Umusog siya konti para maka-upo ako. "Bakit ba ang hilig mong matulog rito sa kwarto ko?"inis-inisang tanong ko sa kanya.

"It's because of your smell dumbass!duh!"ganti rin niya sa akin pero nakatawa naman ng bahagya.

Napatawa na rin ako sa sinabi niya dahilan para pisilin ko ang ilong nya. Napakagat pa ako sa ibabang labi ko dahil sa gigil sa kaniya. I can't help myself not to do it because of her cuteness overload.

"Matulog ka na ulit."saad ko sa kanya habang inaayos ang kumot niya.

"Aren't you gonna sleep here?"takang tanong niya.

Umiling ako. "I'll gonna sleep over there."sagot ko sabay turo sa maliit na couch sa kwarto ko.

Nagpout siya dahil sa sinabi ko. Para siyang batang sa inaakto niya ngayon.

"Just sleep,Ara. Di naman ako aalis. Diyan lang ako sa couch kasi sinakop mo na tong kama at isa pa ayokong makarate mo na naman ako."tumatawang saad ko sa kanya.

Nakakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Tumayo na ako at nagtungo sa drawer ko para kumuha roon ng kumot at unan na gagamitin ko.

Umupo pa siya sa kama at nagsalita. "You really not joking at diyan ka talaga sa couch matutulog , Franey?"she said while pouting.

"Baka mapasukan tayo rito ng ibang tao o kaya ni nanay at makita tayong magkatabi sa kama, Ara. Ano nalang sasabihin nila?"kontra ko sa sinabi niya.

She's pouting and she's sulking I guess dahil padabog siyang muling humiga sa kama. Pinipigilan ko talagang wag magpadala sa nais niya. She's just so stubborn.

Pahiga na ako ng biglang tumunog ang cp ko. Engrid's name flashing on my screen kaya sinagot ko agad.

"Hey?" sagot ko sa kabilang linya.

"I have an update regarding kay Ken."

Kinabahan ako bigla ng banggitin ni Engrid ang pangalang yun. Awtomatikong lumingon ako sa dereksyon ni Ara na kasalukuyang nakatalikod sa dereksyon ko.

The BodyguardWhere stories live. Discover now