Chapter 12

2.5K 92 11
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may kung anong insekto na gumagapang sa aking katawan. Iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang kadiliman.

Where am I?

I couldnʼt see anything but Iʼm sure I was inside the room. Lusot-lusutan ang liwanag sa siwang ng bintana kaya kahit paanoʼy may naaninag ako.

My eyes widened when I saw many cockroaches crawling on my body. I was about to remove it but I realized that my hands and feet were tied behind my back. I screamed for help but my mouth was also covered.

Malakas ang kabog ng aking puso. Bumibilis ang paghinga ko. I need to get out of here!

Naghuhulagpos ako. Ginagalaw ko ang katawan ngunit kahit anong gawin ko hindi pa rin mawaksi ang mga ipis, mahigpit din ang pagkakatali sa akin.

Unti-unting nasanay ang mata ko sa dilim kaya nakikita ko ang mga nakapaligad sa akin. Nakatali ang katawan ko sa bangko na yari sa bakal kaya hindi ko mabuhat nang sinubukan ko itong igalaw. Nakapalibot sa akin ang nakatambak na bangko. All the windows and two doors were closed. Maraming mga ipis ang nagkakalat sa sahig patungo sa akin.

No matter how hard I tried to get loose, I still didnʼt succeed.

Nanghihina ako. Nahihirapan na akong huminga. Nandidiri ako sa mga ipis ngunit mas nangibabaw sa akin ang dulot nito.

I closed my eyes tightly when I felt a cockroach crawling on my face. Ininda ko ang hapdi ng balat ko. I stayed calm even though inside I was losing my mind.

Hanggang kailan ako magtitiis?

Huwag mong hahayaan na mapalapit sila sa 'yo, dahil kapag nalaman nila ang buo mong pagkatao... pupuntiryahin ka nila sa kahinaan mo.

Muling nanumbalik sa aking isipan ang huling bilin ni Miguel. Totoo nga ang sinabi niya sa akin. But I wonder how Braxton knew my weakness when we werenʼt close enough to know me well?

Hinayaan ko na lang ang sarili sa ganitong sitwasyon sapagkat wala na akong lakas kahit humingi pa ako ng tulong. I canʼt take it anymore. Maybe Iʼll die here. Maybe this is the end of me...

Nagulantang ako nang marinig kong may kumakalampag sa pinto. Umiikot ang seradura na tila may mapangahas na pumasok kaya nabuhayan ako ng loob.

Pinilit kong sumigaw ngunit tanging ungol ang lumabas sa bibig ko. Nilakasan ko pa para malaman niyang may tao dito.

Suddenly the door opened and I closed my eyes because of the light coming from there. Pagmulat ko, I saw Henry who was shocked to see me in this situation.

Natataranta niyang pinaghahagis ang mga bangko na nakaharang sa daan. I couldnʼt understand what he was saying, it was like he was cursing in his own language.

He took a step back and gulped as he saw the cockroaches spreading across the floor. Umalis siya saglit sa harapan ko upang dumako sa bandang likuran ng silid, he was looking for something there and when he came back to me he was holding a broom.

Abaʼt putangina! Mukha ba akong basura?

Napapikit ako sa inis nang sinimulan niyang walisan ang buong katawan ko upang itaboy ang mga ipis. Halos napamura ako sa isipan dahil maging ang mukha ko ay hindi niya pinalampas. I sneezed because of the dust entering my nose.

Sheʼs Temporary Teacher Of Section Gang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon