Chapter 17

2.4K 68 58
                                    

Sandali akong natulala matapos niyang makapagbitiw ng salita. Kinabahan ako. Paano kung magkatotoo ang sinabi niya kagaya ng babala sa akin ni Miguel noon?

I shook my head. Hindi. That will not happen. He just poisoned my mind! Naniniwala akong walang kinalaman ang mga estudyante ko sa pagkamatay ni Nathan, because they had an alibi and I was the witness!

Namalayan kong mag-isa na lang akong nakatayo roon nang inilibot ko ang paningin sa paligid. Hindi ko naramdaman ang pag-alis nila dahil masyado akong nagimbal sa babala ni Lucius, I wanted to ignore it but it really affected me.

Wala na akong makitang tao rito bukod sa lalaking nagwawalis na napapasulyap sa akin at ang mga security guard na nagroronda. Tapos na kasi ang recess kaya paniguradong kanina pa nagsisimula ang klase.

Sinimulan kong ihakbang ang mga paa ko paalis doon. I walked fast even though my mind was occupied.

Nang makapasok ako sa faculty, nagmamadali akong lumapit sa table at pasalampak na inilapag ang backpack doon bago dumiretso sa water despenser dahil kanina pa ako nauuhaw.

Dinampot ko ang baso na nakataob sa maliit na lamesita. Mabilis kong pinindot ang ‘coldʼ sabay isinalod ang tubig sa baso. Hinintay ko munang mapuno iyon bago ko ininom at agad nanuot ang malamig na tubig sa aking lalamunan, nakailang ulit pa hanggang sa nahimasmasan.

I took a deep breath. I could feel them looking at me but I didnʼt turn around to confirm it. I just stared at the empty glass in my hand as if I could find the answer there.

“Ayos ka lang?” I heard Madeline ask.

I sighed again as I placed the glass on the table before I faced them. Hindi na kataka-taka kung bakit nakatuon sa akin ang kanilang atensiyon dahil pagkapasok ko pa lang dito ay biglang tumahimik ang silid.

Tumango ako. “Ayos lang...” I said so they wouldnʼt worry about me.

Lumapit ako sa table upang iwasan ang mga mata nilang nagtatanong. Binuksan ko ang malaking Hawk backpack na kulay itim at hinalungkat ang laman, inilabas ko roon ang laptop, AC adapter at charger.

“Baʼt ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?” Sofia suddenly came to me, raising her eyebrows while folding her arms.

“Diyan lang sa labas,” walang gana kong tugon sapagkat hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“Hindi mo sinasagot ang tawag namin sa ‘yo... muntik na nga kitang puntahan kanina,” ani Darwin.

I took out my phone and waved it. “Lowbat ako.” Saka ko isinaksak ang charger sa outlet at chinarge ang cellphone pati na rin ang laptop.

“Kumain ka na, tinirhan ka namin ng pagkain,” sabi ni Kuya Roman sa akin habang nag-stapler ng mga papel.

Lumapit ako sa sofa at umupo roon. Nakalatag ang mga pagkain sa center table, it was ordered from the famous fast food restaurant here in the Philippines. Mukhang hindi naman tira-tirang pagkain dahil walang nabawasan maliban sa Hawaiian Overload Pizza na binili yata sa Greenwich.

“Did you hear the news about Nathan Guevarra?”

Muntik na akong masamid sa iniinom kong Sundae. Tumikhim ako at nag-angat ng tingin kay Sofia na ngayon ay umupo sa sofa sa tapat ko. Naka-dekuwatro ito habang sinusuklay ang maiksing buhok.

Tumango ako. “Nanggaling ako rʼon.” Alam na pala nila kaya wala na akong rason para ilihim iyon.

“Is it true that the Section Gang killed him?” usisa pa niya na bahagyang dumukhwang sa akin, pilit hinihinaan ang boses ngunit dahil natural na malakas ang kanyang tinig ay paniguradong narinig iyon ng mga kasamahan namin.

Sheʼs Temporary Teacher Of Section Gang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon