C26

75 5 0
                                    

PLEASE, SAY YES.

          "Pagkatapos mo riyan, 'yong mga dahon at dumi sa harap ang isunod mo." Utos niya ulit nang makita niya akong tapos na sa pag lalampaso ng sahig.

Binalik niya ang tingin sa hawak niyang cellphone at ngingiti ngiting tinaas ang mga paa sa coffee table namin sa sala.

Kanina pa utos ng utos..

Inismiran ko siya nang hindi siya nakatingin at padabog na binaba ang hawak ko. "Ma! Kayo na rin! Kanina pa ako naglilinis dito!" Pagtutol ko at nag inarteng humihingal.

Kumunot lang ang noo niya at hindi ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagkalikot ng cellphone niya. Nagpapapadyak ako sa harap niya nang ilang minuto ang lumipas pero wala siyang sinabing kahit isa. Hindi niya talaga ako pinansin.

Nagdabog ako at sinasadyabg iparinig sa kaniya iyon. Ilang beses siyang lumilingon sakin pero patuloy lang rin ako sa ginagawa.

Napatigil lang ako sa ginagawa kong pagdadabog ng tumingin siya sakin sabay abot sa tsinelas niyang nasa sahig.

"Ahh! Ma!" Sigaw ko at nagmamadaling lumayo sa kaniya.

"Aba! Bakit ka nagrereklamo? Ikaw nagsabi niyan kagabi 'di ba?!" Sabi niya ng nakahawak parin sa tsinelas niya na nakaturo sakin.

"Ma naman kasi! Charot charot ko lang 'yon!" Balik ko sa kaniya.

Bakit ko ba naman kasi sinabi iyon kagabi!

"Maglinis ka! I-charot charot ko rin iyang bibig mo!" Bumalik na siya sa kinauupuan niya saka tumutok ulit sa cellphone.

"'Ma.. Ma..." Pag-aagaw ko sa atensyon niya pero hindi ako pinapansin."Mama.. ma.. 'ma!"

"Ano!? Ma ka ng Ma! Hindi ka talaga titigil!? Bilisan mo riyan at maraming dumi sa labas!" Sigaw niya sakin.

Ano bang kinakagalit nito!?

Tinatawag lang naman siya eh!

Umirap nalang ako sa kawalan at nagbuntong hininga.

Idelete ko iyang candy crush mo eh! Nasa 1000 pa naman iyong level.

Bakit ko ba naman kasi sinabi iyon kagabi! Ayan tuloy nagdurusa ang diyosang mukhang grasa.

Ngayon alam ko na.

Wag mangangako kapag kinikilig ka.

Kasalanan ito lahat ni Laurent!

Bakit kasi ako pinakilig!

Inismiran ko lang siya bago lumabas ng bahay at kinuha ang walis sa gilid. Lalo pang dumagdag ang inis ko ng mamataan ko ang walis na napagdaanan pa ata ni Juan Luna sa sobrang kalumaan at liit na nito. Ang nipis na tangina.

Hinarap ko ang paligid at napabuntong hininga nalang. Tangina andaming kalat.

"Malas!"

Nagsimula na akong magwalis ng mga dahon at dinadama ang ihip ng hangin dahil emotera ako.

Dinadamdam ko lang ang ihip ng hangin at patuloy sa pagwawalis hanggang sa 'di ko na namalayang nasa labas na pala ako ng gate.

"Tangina naman oh! Bakit pati kalsada nawawalisan ko na!"

Agad kong binalik lahat ng kalat sa kalsada na naipon ko at ngingiti ngiti dahil pati 'yong mga winalis ko sa bahay ay isinama ko na.

Nakakatamad dakupin eh.

Papasok na sana ako sa bahay pagkatapos ng kasamaan ko, nang maramdaman kong may tumatakbo palapit sa akin kaya maarte akong napalingon.

Dahan dahan na tila nag e-slow motion ang paligid akong humarap sa nasa likod ko.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now