00

4K 93 3
                                    

This story will be completed first in Patreon and VIP Group.

Only 5 chapters will be posted here for the mean time. :)

Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group. :))

☀️☀️☀️


"Come on, Maddie. Just pick and get over it!"

I chuckled as Abi repeated herself after I said no to their stupid dare. I didn't expect them to really ask me to do those silly things. I mean, we're here to have fun and drink to celebrate my birthday.

Why do I have to do those stupid consequences just because of a stupid spin the bottle game? Kung ako lang nga ang masusunod ay kanina pa ako umuwi na lang sa bahay namin pero alam ko naman na hindi rin nila ako papayagan at mas sasakit lang ang ulo ko kapag maaga pa lang ay umuwi na ako dahil ang alam ng mga magulang ko ay kasama ko ang mga kaibigan ko ngayong gabi para mag-celebrate ng birthday ko.

Afterall, I was the one who told them I'd prefer celebrating my birthday this way than their initial plan which is to throw me a party.

And by throwing me a party, my mom and I have a very different definition of a simple one.

I am not ready for that yet. I don't think I will be able to socialize and have my practiced smile to our relatives, their friends, business partners, politicians and others that I know they will be inviting. In other words, hindi pa ako handang makipagplastikan sa mga taong magpapakita ng concern sa akin, magtatanong kung ayos lang ba ako pero sa totoo lang ay wala namang pakialam sa akin.

I'd rather be alone than talk to those people. Mas mahalaga lang naman sa kanilang mapakita na concern sila sa akin para paboran sila ng mga magulang ko sa mga gusto nilang mangyari dahil malapit ang mga magulang ko sa presidente.

I glanced at the people on the table who are drinking, talking and having fun. Mas okay na rin na ang mga ito ang kasama ko kahit na alam ko naman na mas nag-eenjoy lang sila na magkakasama sila ngayon kaysa nandoon sila dahil birthday ko.

Well, at least if my mom asked me for some proof of my birthday celebration, I can send their photos and she will believe that I am having fun.

"Maddie!" untag muli sa akin ni Abi. I looked at her and gave her a small smile.

Abigail Duanes, or Abi is the daughter of the owner of Duanes Homes. May mga ilang subdivisions na rin ang pamilya nito sa Metro Manila at plano rin ng mga magulang nito na magkaroon sa ibang panig pa ng bansa at iyon ang dahilan kung bakit konektado kaming dalawa sa isa't isa kahit pa hindi ko naman talaga siya gustong kasama. Idagdag na lang din doon na pinsan ko siya kaya wala rin naman akong choice kung hindi ayain ito.

Actually, wala naman sa kahit na sinong naroon ang gusto kong kasama pero alam ko na kung hindi ako aalis ng bahay sa araw na iyon, pipilitin na naman ako ng mga magulang ko sa gusto nilang mangyari. I just got back from my vacation and I am still not ready to dive right into my old life.

Hindi pa ako handa.

Hindi ko pa kayang maging handa.

Inviting Abi is the best–I think–idea that I can make up so I will have an alibi that I will be going out tonight and will be home late. Hindi pa rin naman kasi ako nakababalik sa condo ko dahil sa nangyari. Hindi pa rin ako pinapayagan ng mga magulang ko hangga't hindi ako pumapayag sa kondisyones nila sa akin. I still need to stay at my parents' house that I am near regretting, too.

Napakarami nilang kondisiyon sa akin matapos ang nangyaring iyon sa akin may halos limang buwan na ang nakalilipas.

I drew a deep sigh as I felt something heavy on my chest. Sana pala ay sa hotel na lang ako nag-stay.

Sinful DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon