03

1.8K 60 2
                                    

This story will be completed first in Patreon and VIP Group.

Only 5 chapters will be posted here for the mean time. :)

Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group. :))

☀️☀️☀️


"Your bodyguard looks hot," Abi commented while her eyes were on Duke who was standing in the corner, looking around. Kanina pa rin nito pinupuna ang lalaki simula pa lamang noong dumating silang dalawa kanina.

She couldn't stop asking about him and it's annoying, really, but of course, I had to act like it's not irritating.

Tinignan ko naman si Duke na lumilinga sa paligid, para bang inoobserbahan nito ang mga taong naroon sa loob ng function hall. I won't be surprised if he's amazed with what's happening tonight, or why we're here.

He's been looking around earlier, kung namamangha ba ito sa nakikita o ano ay hindi ko naman din sigurado. Of course, he's with me since my dad made it clear that he'll be with me all the time.

Malapit ko na rin siyang tanungin kung pati ba sa pagbanyo ko ay sasamhan niya ako dahil palagi naman din talaga siyang nakasunod sa akin. I know that he's just doing his job, and it's annoying that he's very good at it. I don't know what else I should do to make him quit.

I know that I affect him, and I want to use that as a leverage on what I am planning. I'm not heartless that will frame him up for something just because I wanted to make him quit, but I also know that even if I beg him to quit, he won't do it.

Sa laki ba naman ng sahod niya, bakit siya aayaw sa trabaho niya?

"You think so?" I asked her as I sipped on the champagne they served earlier. Muli akong bumaling kay Duke na ngayon naman ay nakatingin na sa akin. May kung ano sa tingin ng lalaki na para bang nakakaapekto sa akin na hindi ko matukoy kung ano. Whenever he's staring at me, watching me, I feel conscious and I hate it.

I just rolled my eyes and looked at Abi. Wala naman akong choice kung hindi sumama rito at kay Cassie na hindi ko naman din alam kung nasaan ng mga sandaling iyon dahil tiyak kong sasabihan lang ako ng mga magulang ko na baka isipin ng mga tao ay may hidwaan ang mga Duanes at De Lara kung hindi kami magpapansinan na magpipinsan.

Kung ako lang ang tatanungin, kahit hindi ko na nga sila makausap o makasalamuha habambuhay ay walang kaso sa akin, but then again, a lot of people know our family and we have a reputation to take care of even if that means smiling at someone when what you actually want is to roll your eyes.

"I know so!" exaggerated na sabi nito na nakatingin pa rin kay Duke. She's smiling at him and I saw Duke bow his head a little, as if acknowledging her. Kumunot ng bahagya ang noo ko dahil sa ginawa ng lalaki.

How dare he bow his head to this wench?

"Why don't you call him and ask him to sit here with us?" tanong pang muli sa akin na Abi na hindi na maalis ang tingin sa lalaki. It's as if she's undressing him with the way she looks.

"And why would I do that?" I asked and looked away.

Nasa party na iyon din ang ibang mga executives ng kompanya at maging ang ibang business partners, politicians and some rich personality. Hindi talaga masasabing basta-basta ang party na iyon.

Like always, they're more into building connections. Gano'n naman din ang palaging sinasabi sa akin ni Daddy at Mommy. Whenever I am out or at some event, I have to make sure to socialize and make connections. Para kung sakaling kailanganin namin sila, may contact na kami sa kanila at hindi sila makakatanggi sa amin.

Sinful DutyWhere stories live. Discover now