09

1.7K 70 6
                                    


This story is completed in Patreon and VIP Group/Spaces.

Visit www.patreon.com/vampiremims to join Patreon.

Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group/Spaces. :))

☀️☀️☀️


Days go by and it's like everything went back to normal. I guess I got used to having Duke around me wherever I go. Kahit saan naman din talaga ako magpunta, kasama ko siya para bantayan ako–maliban sa kuwarto ko, of course. He's still giving me my private space whenever we're at my house and I am thankful for that.

Gaya ng nakasanayan din, nauuna talaga akong matulog kaysa kay Duke at mas nauuna pa rin itong magising kaysa sa akin. Ito ang nagluluto ng pagkain namin pero hindi pa ako nito sinabayan sa pagkain. Palaging nauuna ito at papanuorin lang ako kapag ako na ang kumakain.

Kung hindi lang ako naiinis sa mga pang-aasar nito, I would commend him for being nice and all, but since he kept on pissing me off, I just kept on rolling my eyes at him.

Pero maliban sa pagsagot-sagot sa akin nito na halatang nag-aasar lang naman ay wala naman ng ibang nakakabuwisit sa ginagawa nito. He's really being nice to me, and I don't know if that's because of what happened last time.

He heard my parents when they practically slapped my face with their words to just let what happened go. It's just too ironic that they hired a bodyguard and when something happened to me, they wanted to let it go.

Paano pala kung kamag-anak lang namin ang mananakit sa akin? Hahayaan lang din namin? Nawawalan ng sense ang presensiya ni Duke sa buhay ko kung gano'n ang nais ng mga ito.

Sana hindi na lang kumuha ng bodyguard kung ayos lang palang masaktan ako.

I just got up from my bed and tied my hair into a messy bun before walking towards the bathroom to wash my face, brush my teeth and relieve myself. Hindi ko naman na rin maaalis ang katotohanan tungkol sa pangyayari sa loob ng banyo ko kaya hangga't maaari, hindi ko iniisip ang nangyari sa amin ni Duke kapag naroon ako.

I don't know why I could feel something in my chest whenever that scene occurred to me. Para bang may kung ano'ng nabubuhay sa dibdib ko, sa loob ko, na kailangan kong patayin kaagad upang hindi lumawig at maapektuhan ako ng higit pa.

Huminga ako ng malalim bago umiling-iling at muling binasa ang mukha upang mahimasmasan sa mga ideyang pumapasok sa isipan ko.

It's just sex. A hot one, yes. But that's just sex. Hindi ko na dapat iniisip iyon o kung ano pa man dahil hindi na mauulit iyon.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin habang pilit itinatatak iyon sa isipan ko. I had sex with Tyler before, so what happened between me and Duke's not the first time. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko mawaglit kaagad iyon sa isipan ko.

Muli, umiling ako upang iwaksi ang mga nasa isipan ko bago kumuha ng facial tissue upang punasan ang mukha ko at maglagay na ng mga creams na ginagamit ko bago ako lumabas para makapag-almusal na. I will be working at home today and I told Duke about that last night, and I told him that he doesn't need to wake up so early today, too.

Hindi ko nga alam kung ilang oras lang ba ang itinutulog ng lalaking iyon.

I just walked towards the dining room and it was dead silent. Wala akong kahit na ano'ng naririnig kaninang paglabas ko ng kuwarto ko. Pinagmasdan ko pa ang pinto ng kuwarto ni Duke. Iniisip ko kung natutulog ba ito o ano, pero sa huli, hindi ko na rin ito kinatok at pumunta na lang ako sa komedor para kumain.

Sinful DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon