10

1.1K 57 0
                                    


This story is completed in Patreon and VIP Group/Spaces.

Visit www.patreon.com/vampiremims to join Patreon.

Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group/Spaces. :))

☀️☀️☀️


I tried my best to not yawn while the mayor was speaking in front and talking to his constituents about the hospital that will be built in the vacant area we're in. Maraming tao roon at may media rin na nagko-cover sa pangyayaring iyon. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil natural na gugustuhin ng mayor na alam ng sambayanan ang ginagawa nitong kabutihan.

If I know, he just wanted to make sure they will vote for him in the next election.

It's just seven in the morning and all I could hear now was the babbling mayor, giving promises but ending up being untouchable and unreachable from his constituents in time of their need. Hindi man lahat ng nasa gobyerno ay gano'n ang ginagawa, marami pa rin na kapag nasa posisyon na, nakalimutan na ang mga pinangako sa mga bumoto sa kanila.

That's one thing about the politicians that I hate the most. Ang bibilis makalimot kapag nakaupo na sa puwesto.

I just leaned on my seat and looked at the one speaking in front and held back from rolling my eyes. I had to keep smiling because I can get caught in a camera anytime and we all do not want other people to see me smirking, rolling my eyes or anything that can show disappointment or disagreement about the lies he's feeding them.

Napalingon naman ako sa direksiyon ni Duke na nakatingin sa akin. He smiled at me and I pouted a little. Sinabi ko naman din dito kanina pa lang noong papunta pa lang kami na ayaw kong magpunta roon pero sa huli, nandoon na rin naman ako.

Sometimes, I hate my job for making me do things that I do not like.

"Are you okay?" he mouthed and I shook my head a little. He looked around, as if looking for something. I creased my forehead and just looked at the speaking mayor again. Nasa harapan ko lang din nakaupo ang mga magulang ko kaya hindi rin ako makaalis basta na lamang kahit na kanina ko pa gustong tumayo.

I just sipped on my coffee again and hoped that it would help me not to yawn. Ayoko naman din na makuhanan akong humihikab ng mga camera na naroon.

Nang matapos ang pagsasalita ng mayor ay may kaunting programa pang sumunod doon kaya wala pa rin akong nagawa kung hindi ang maupo roon at panoorin ang mga nangyayari hanggang sa magsabi na ang isang staff ni Mayor sa amin na kung puwede raw kaming sumama na mamigay ng mga pagkain doon.

I was about to say no, but my mom said yes. Hindi na lang ako kumibo at hinayaan ang mga ito sa gustong mangyari ng mga ito.

Tumayo na lang ako para sumunod sa babae papunta sa lamesa kung saan naroon ang mga sandwiches at juice na inihanda ng mga ito para sa mga nagpunta roon. Tumayo na lang ako sa likod ng mesa habang inaayos nila ang pila ng mga bibigyan.

I smiled at them while they were looking at us.

"I'll help you."

Napalingon ako nang magsalita si Duke na nasa tabi ko na ngayon. Tumango na lang ako sa kaniya at tinulungan niya rin talaga ako sa pagbibigay ng sandwiches sa mga naroon na nakapila. They were smiling at me and thanking me for the food I was giving them. Kahit na hindi naman galing sa akin iyon, ramdam ko ang pasasalamat nila at gano'n naman kadalasan ang mga Pilipino.

And sometimes that's also our pain point.

We're too kind, well, most of the Filipinos, though.

"Kuya Pogi, puwede pong dalawa ang ibigay mo sa akin?" sabi ng isang batang lalaki na nakapila rin at nakatingin kay Duke. Nagbilin ang isang staff kanina na tig-iisa lang daw ang ibigay sa mga naroon na hindi ko rin maunawaan kung bakit kailangan na gawin iyon, paano kung may iba pang gustong kumain dahil hindi sapat ang isang sandwich?

Sinful DutyWhere stories live. Discover now