02

1.4K 48 3
                                    

This story will be completed first in Patreon and VIP Group.

Only 5 chapters will be posted here for the mean time. :)

Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group. :))

☀️☀️☀️


"Are you sure that you remembered everything I said?" I asked Duke while he was walking towards the door. He looked at me and nodded his head. "I won't really eat that if you will have a mistake," dagdag ko pang sabi sa lalaki at seryoso ako sa bagay na iyon.

Duke looked at me before answering me.

"Yes, I memorized it, Ma'am. You don't have to worry about it," he replied and everytime he calls me Ma'am, I feel like there's always a hint of sarcasm in his tone. Hindi ko alam kung may sarcasm ba talaga o ako lang ang nag-iisip ng bagay na iyon, though.

"Good. Be sure to be quick, I will just take a shower and then we will leave. I have a meeting at 10," sabi kong muli sa kaniya bago tumango ito sa akin at lumabas na rin ng pinto para bumili sa labas ng almusal ko.

Wala naman ding kaso kapag naiiwan akong mag-isa sa loob ng condo dahil naayos na rin ang locks doon at hindi naman di umaalis si Duke ng hindi iyon naka-lock. Kung sinuman ang magtatangka na buksan iyon ay tiyak na mahihirapan kung wala itong susi dahil sa dekalidad na locks na pinalagay ng daddy ko.

It has been three days already since Duke came and I still have no idea how the hell I am going to make him quit. I kept trying to be a spoiled brat, but it seems like he's handling things very well. Parang sanay na sanay ito na may kasamang brat kaya wala lang dito ang mga ginagawa ko.

Parang walang pakialam ang lalaking iyon sa lahat ng pinapagawa at ginagawa ko sa kaniya kaya pakiramdam ko rin ay mahihirapan din akong mapahirapan ito para ito na lang ang kusang magbitiw sa pagiging bodyguard ko.

I agreed to my dad to have security again–thanks to Nate, by the way–but that doesn't mean I really want one. Like what I have told him countless times since that incident with Tyler, I don't want to have someone risking his life again for me.

It's just not right.

I know that they're just being careful and they just want me safe, but after what happened... After seeing someone sacrificing his life for me, I felt like I'm done having one. Hindi maganda sa pakiramdam ang kaalaman na may isang taong namatay dahil sa akin. Hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan ang pamilya ni Tyler dahil sa nangyari... o ang pamilya ni Duke kung sakaling maulit iyon.

Hindi ko lang din alam ngayon kung paano ko ba maaalis si Duke na siya ang aalis at hindi ako ang makikiusap sa daddy ko.

I mean, I am pretty sure they're trained to handle people... his patience is so high that I have no idea what I should do to piss him off and make him quit.

Sa tatlong araw na magkasama kami, ilang beses ko na itong inutusan na bumili ng kape, ipagmaneho ako, pinagbuhat ko pa nga ito ng mga gamit ko nang umuwi ako sa condo. Sa dalawang araw na nandoon kami sa condo, palagi rin akong nagpapabili ng pagkain dito kahit na puno naman ang pantry at fridge ng puwedeng lutuin.

I can cook, but I opted to just buy food just to make him do things and eventually get pissed and quit. I told him that I don't like to order via online since I don't want other people to know where I live, naintindihan naman daw nito ang bagay na iyon. Akala ko pa nga ay magpiprisinta itong ito na lang ang o-order, pero sa huli, ito pa rin ang lumabas para bumili ng pagkain ko.

I haven't seen him eat, though. Or maybe he does when we're not together, meaning when I was in my room, or I'm in a meeting, or when he's not around which is very rare.

Sinful DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon