01

2.4K 71 1
                                    

This story will be completed first in Patreon and VIP Group.

Only 5 chapters will be posted here for the mean time. :)

Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group. :))

☀️☀️☀️


"Maddie, when will you ever learn?"

I rolled my eyes while I was eating the cereal I asked for breakfast. Sinadya ko pa namang magpatanghali sa pagbaba sa pag-aakala na nakaalis na ang Mommy at Daddy ko para mas makakain sana ako ng matiwasay pero hindi ko inaasahan na naroon pa si Mommy dahil may lunch meeting ito kaya hindi na muna ito umalis papunta sa opisina.

Sana pala ay nagtanong na muna ako sa maid bago ako bumaba.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain habang nakaupo rin si Mommy at nakatingin sa akin. It was as if she's observing me, watching my every move. Something that I am used to.

Before I could even blow my first birthday cake, I already had one. Hanggang sa nadagdagan iyon nang nadagdagan. Imagine going to school with three bodyguards by your side and three others watching you from a distance.

Creepy and annoying.

I just continued eating while Mom was probably reading something on the internet. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya at itinuon ang atensiyon ko sa pagkain ko.

Inilapag nito ang iPad at tila ba ipinapakita sa akin ang nasa news na naroon. Kumunot ng bahagya ang noo ko nang tanungin ako ni Mommy kung ano ang bagay na iyon.

I just glanced at it and focused on the granola cereal I was having. I am enjoying my breakfast and my mom knows how to spoil it. May mga nakahanda ring almusal pa sa lamesa mula sa almusal ng mga magulang ko kanina na wala naman din akong balak na kainin.

Kanina pa nga dapat iyon kinain ng mga kasambahay namin dahil alam naman ng mga ito na hindi ko kakainin ang mga iyon. Tanging mga prutas lang ang posibleng ibawas ko sa mga iyon mamaya.

"Mango juice, please," sabi ko kay Sabel nang lumapit ito sa akin para ilapag ang sliced mango sa gilid ko na ibinilin ko kanina nang ibigay sa akin ang pagkain ko. Tumango naman ito ng maliit at nginitian ko na lang din bago ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Maddie, are you ignoring me?" tanong ni Mommy sa akin na sa palagay ko ay tumaas pa nga ang boses nito nang tanungin akong muli dahil talaga namang hindi ko siya pinapansin kanina pa. Hindi ko rin siya sinasagot maliban sa panaka-naka kong pagsulyap sa kaniya. I just don't have the energy to deal with her sermons today. If I had known that she's still in the house, I would've just asked the maid to bring my breakfast to my room.

I sighed. "What do you want to say, Mommy?" I looked at her and leaned on my seat. "That news is bullshit. You shouldn't believe anything you see on the internet. They will manipulate you in believing something that is not even true. Like that one," I said while looking at the iPad's screen.

Gusto kong mapasimangot sa balitang naroon.

DE LARA LAND HEIRESS, NOW DATING THE SON OF THE NOTORIOUS DRUG LORD?

Laman ng isang site ang pictures ko kasama ang isa sa mga kaibigan nila Abi na hindi ko naman alam na anak pala ng isang drug lord. Ano ba naman ang malay ko kung sino ang mga kaibigan nila Abi. Hindi ko malaman kung bakit ako ang kinakastigo nila na kung tutuusin ay hindi ko naman kaano-ano ang lalaking iyon.

Sinama lang nila ang mga iyon sa birthday celebration ko–na hindi ko rin naman na-enjoy–at pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko naman na sila nakita. As usual, the internet trolls have their own way of making a story out of a single photo.

Sinful DutyWhere stories live. Discover now