PROLOGUE

40 13 16
                                    

"GOD! You're so unbelievable! How did you manage to embarrass the governor's son in the middle of our dinner?!" I close my eyes as I heard my Mom's voice.

"Not now, Mom. I'm freakin' seriously tired." Pagpipigil ko dito at saka walang ganang inilapag ang bag ko sa sofa at saka umupo doon.

"What?! Did I just tell you to behave during that dinner?! But look what you've done!" Tamad akong napatingin dito na ngayon ay nakapamaywang na sa harapan ko.

"Where's your stubborn and idiot daughter?!" Napalingon ako sa bandang kanan ko ng marinig ko ang galit na sigaw ni Daddy.

Here we go again.

"Rihanna! Where's your goddamn daughter?!" Sigaw pa uli nito at kasabay niyon ang pagsulpot din nito sa harapan ko.

My legs were just crossed while Mommy and Daddy were angrily facing me right now.

"What?" Walang ganang tanong ko sa kanila.

Nakita kong nagdikit ng madiin ang labi ni Dad tanda nang sobrang pagpipigil nito ng galit at si Mom naman ay umiling na lang.

"Alam mo ba 'yong ginawa mo kanina?" Nagpipigil na sabi ni Dad at saka naman nangunot ang noo ko.

"Yes, of course. I threw food on Martin's shirt." Seryosong sabi ko sa mga ito.

Rumehistro ang galit sa mga mukha nila at saka ako tinignan na para bang hindi makapaniwala.

"And you are proud of that? Don't you even feel ashamed for what you did earlier?!" Highblood na tanong ni Daddy.

"Why would I? In fact, I have my reason kaya ko ginawa 'yon." Maikling paliwanag ko dito para matapos na 'tong discussion na 'to.

"Whatever your reasons ay hindi pa din katanggap-tanggap yung ginawa mo kanina! What's happening to you?!" Sa sobrang laki ng boses ni Daddy ay mas para akong naatat tumayo at iwan na lang sila dito but for some reason ay nawalan ng lakas ang mga binti ko.

Sumikip ang dibdib ko sa ginawang pagsigaw ni Daddy sa akin pero hindi ko ito pinahalata.

"Edi sana hindi n'yo na lang ako  sinama sa dinner n'yo!" Sagot ko sa kanila.

"Bastos ka talaga! Do you know what we are talking about there?! It's our damn business! It's business, Xaviera! Negosyo na dahilan kung bakit marangya ang buhay mo ngayon! Do you even know the word 'respect' and 'grateful'?!" Sermon ni Dad sa akin at saka ako napatungo.

Pinigilan ko ang sarili kong mapaluha sa sandaling iyon kaya naman ay mas pinili kong ikuyom ang palad ko.

"I don't know if your dad and I did something wrong to make you grow up like this." Frustrated na sabi ni Mom.

"Do you see these expensive things of yours?! Hah?! Your bags! Your shoes! And even your clothes ay galing sa paghihirap namin! Hindi kami nagkulang sa'yo and you know that!" Sermon ni Daddy na kulang na lang yata ay pagbuhatan ako ng kamay.

Hindi ko sila tinignan sa halip ay ipinukol ko ang tingin ko sa plorerang nakalagay sa mesa nasa harapan ko.

Sobrang nakakasama ng loob yung mga sinasabi ni Daddy at Mommy. At kung nakakabasag lang ang tingin ay malamang na basag na ang plorerang tinitignan ko ngayon.

"Well, I didn't say na ibigay n'yo sa akin ang mga bagay na 'to." Masama ang loob na sabi ko sa mga ito.

"Xaviera! Naririnig mo ba ang sarili mo?! You're so ungrateful! Wala kang pagpapahalaga sa mga bagay na nasa iyo! Starting from now, you are grounded. We will cut your credit cards, allowance and so on!" Nabigla ako sa sinabi ng mga ito kaya napataas ako ng tingin at napatayo.

"Is that what you want?! Then do it!" Sigaw ko sa mga ito.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay umakyat ako sa kuwarto ko at doon inilabas ang sama ng loob ko.

Napahawak ako sa sintido ko habang hinihingal. Nakita ko ang vase na nasa gilid ng kama ko kaya kinuha ko iyon at ibinato sa kung saan.

"ARGHH! I hate this life! I hate you! I hate you!" Sigaw ko at saka lumabas ang mga hikbing kanina ko pa pinipigilan.

"I hate this life! I hate this life! Dammit! Sana hindi n'yo na lang ako binuhay if you always look at me as a big disappointment to this family!" Buong puwersang sigaw ko.

Napaupo ako sa sahig at saka napayakap sa tuhod ko at ayaw ko man umiyak ay sadyang traydor 'tong mga luhang 'to.

Crying is a sign of weakness! Damn!

I can't help myself but to cry and cry. Yes, I'm living the perfect life, 'yan yata ang tingin ng ibang tao siguro but for me? This life sucks!

Tama naman sila Mommy at Daddy nakukuha ko ang mga bagay na gusto ko sa isang pitik lang pero hindi 'yon ang kailangan ko. I want my parents to stay on my side. I want to feel their presence kahit saglit lang but hindi nila iyon kayang gawin.

They always busy, kahit ang mga kuya ko ay laging wala sa bahay. They always busy managing our damn business to the point na hindi na ako nag e-exist sa kanila.

May time lang sila para punain ang mga maling nagawa ko at para din sermunan at sabihan ako ng masasakit na salita. Nandyan lang sila sa tuwing kailangan nilang ipamukha sa akin na ako ang big disappointment ng pamilyang 'to.

They didn't even ask why I did that thing earlier! It's because of freakin' Martin! That pervert! Binastos n'ya ako kaya hindi ako nagdalawang isip na tapunan ko ito ng pagkain sa damit n'ya bilang ganti.

They're not giving me the chance to speak or to explain my side.

How unlucky to have this surname. How unlucky I am to be a Dama. You will be charged a so much pressure if you are a Dama. You are required to be perfect all the time, to be proper all the time but sorry to tell you if I am not.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko saka ako tumayo at kumuha ng alak sa refrigerator ko. Tinungga ko ng sunud-sunod iyon at napangiwi ako ng gumuhit ang init at hapdi niyon sa lalamunan ko.

Ibinagsak ko ang bote sa lamesa ko at saka huminga ng malalim habang pinukulan ko ng masamang tingin ang family picture namin na nasa wall ko.

"I am me for a reason and I won't change myself for anyone." Mariing sabi ko.

The Runaway Dama Where stories live. Discover now