Chapter 8

26 11 16
                                    

Xaviera's Point of View

SINUBUKAN kong lumabas ng banyo ngunit sumilip muna ako sa paligid kung may tao ba kaya nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang tao dito.

Masyadong malaki ang bahay na 'to kahit na gawa lang ito sa matibay na kahoy. Nasa second floor pa ang kuwarto ko kaya kung lalabas ako sa banyo ay kailangan kong bilisan dahil masyado pang malayo ang kuwarto ko.

Sinigurado ko pang muli na walang tao bago tuluyuang lumabas ng banyo. Wala akong ibang saplot na suot kung hindi
ang tuwalya na nadala ko lamang sa banyo.

Mahigpit ang pagkakakapit ko dito at hindi naman ako makatakbo ng mabilis dahil sa pag-aalalang baka madulas ako.

Akmang aakyat na ako ng hagdan ng..

"Manang, where's the— bullshit!" Gulat akong napalingon kay Z at nakita ko itong nakatalikod na.

Damn!

Natuon din ang paningin ko sa mga groceries na nagkalat sa sahig na sa palagay ko ay nabitawan n'ya.

Saglit din ako nataranta at hindi ko alam ang uunahin ko. Hihingi ba ako ng sorry dito dahil nakita n'ya ako sa ganoong ayos o tatakbo na ako paakyat sa taas.

"A-ah e-eh s-sorry—"

"Damn! Go to your room now! Don't say anything!" Sigaw nito sa akin kaya nagmadali akong umakyat sa kuwarto ko.

Sinarado ko ang pinto pagkaakyat ko at humihingal na sumandal ako sa likod ng pinto ko.

"Shit. You totally embarrassed yourself, Xav!" Singhal ko sa sarili at saka tuluyang nagbihis.

Nang nakabihis na ako ay nanghihinang napaupo ako sa kama dahil sa nangyari.

Puwede namang si Lola na lang ang nakakita sa'kin pero bakit yung mokong pa na 'yon?!

"Anong mukha na ngayon ang ihaharap mo sa kanya, ha?!" Pagkausap ko sa sarili.

Nababaliw na nga yata ako.

Alam ko na! Hindi na lang ako lalabas! Bahala sila d'yan! Kasehodang magutom ako, hindi talaga ako lalabas ng kuwarto.

Humiga ako sa kama at saka pumikit ng madiin sa sobrang kahihiyan. Nagpagulong gulong ako at hinampas hampas ko pa ang mga unan na nasa tabi ko.

Ramdam ko talaga ngayon ang pag-init ng pisngi ko at iniisip ko ang reaksyon ni Z nang makita n'ya akong nakatuwalya lang kanina.

Another bad shot, Xav!

"Xavvv!! Kung bakit ba naman kasi sa daming ng makakalimutan mo eh damit mo pa talaga?!" Pag-kausap kong muli sa sarili ko habang may takip takip na unan sa mukha.

Lumipas ang mga oras at parang tanga lang akong hindi mapakali sa kuwartong ito. Hindi ko malaman kung lalabas ba ako o hindi.

Nakita ko sa wall clock na alas otso na kung kaya naman ay ilang oras na akong nakakulong dito. Rinig ko na din ang pagkulo at pag-alboroto ng tiyan ko sa sobrang gutom.

"But no! Hindi ako lalabas. Little tummy please calm down for a while?" Parang tangang sabi ko at hinimas himas pa ang tiyan ko.

Hihiga na sana ako at balak na itulog na lang ang gutom ko ng biglang may kumatok sa pinto.
Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na nanlamit at namasa ang kamay ko.

Hindi ko malaman ang gagawin kung bubuksan ko ba ito o magpapanggap na tulog.

"Hija, ako ito si Lola Beling mo."

The Runaway Dama Where stories live. Discover now