Chapter 3

24 11 17
                                    

Xaviera's Point of View

MALI pa yata ang umalis ako at lumabas ng bahay dahil mas lalo lang akong nainis at nawala sa mood dahil sa lalaking na-encounter ko kanina.

Nagpasya na akong umuwi dahil sa unang shop pa lang na pinuntahan ko ay na-badtrip na agad ako.

Damn that guy!

I am eighteen years old and turning  nineteen next month kaya nakakapag-maneho na ako ng sarili kong sasakyan. I have my own license and my parents allowed me to use my car on my own way since I've done taking driving lessons before.

Pinasok ko na ang kotse ng buksan ng mga guard ang napakalaking gate ng mansyon namin at saka ko ito ipinarada.

Pumasok na ako sa loob ng mansyon at naramdaman kong ako na lang ang tanging naiwan dito bukod sa mga maid dahil alam kong umalis na din sila kuya.

Napatingin ako sa bawat haligi ng mansyon namin at hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman ko.

I hate this feeling. Ayoko ng mag-isa.

"Hindi ka pa ba sanay, Xav?" Mahinang bulong ko sa sarili.

Napakalaki nga ng mansyon na 'to ngunit wala namang katau-tao.

Aanhin ko 'tong malaking tirahan na 'to kung sa bawat malalaking sulok nito ay bakanteng silid lang ang makikita ko?

Mula pagkabata ay nahasa na yata ang pagiging mag-isa ko dito sa bahay na 'to. My room was full of expensive toys pero wala akong naging kalaro kung hindi sarili ko lang. My three kuya is busy in their school that time dahil mahigpit sila Mom and Dad pagdating sa pag-aaral ng mga ito.

I have no friends, walang gustong makipag-kaibigan sa'kin but it's fine. Hindi ko kailangan ng kaibigan.

Ang kailangan ko ay magulang na mananatili sa tabi ko. Iyon bang makikinig sa bawat kuwento ko, iyon bang makikipaglaro sa'kin ng saglit.

Pero hindi ko naranasan 'yon. They only exist in my world pero hindi ko sila maramdaman.

"Ma'am, nandito na po pala kayo, naririyan po sila Mr. Dama and Mrs. Dama." Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi ng maid.

"Papaanong nandito sila? They need to stay in Italy for three days, right?" Hindi ko na hinintay pang sumagot ang maid dahil pinuntahan ko na sila Mom sa kabilang parte ng mansyon.

Nagtaka naman ako dahil wala pa silang dalawang araw sa Italy ay umuwi na agad sila dito. Did something bad happen?

Pero kabaliktaran ng inisip ko ang nakita ko sa mga mukha nila Mom and Dad. They are both happy.

Nang makita nila ako ay nagulat ako sa ginawang pagyakap sa'kin ni Mommy.

"I missed you, darling. Mabuti at nandito ka na." Usal nito at saka ako hinalikan sa pisngi.

Hindi ko alam pero nanatili pa din akong nakatayo at tila nagtataka sa mga nangyari at sa ginawa ni Mom.

Because, as far as I can remember, they both mad at me but, what is this?

When I looked at my father, he was also looking at me while smiling slightly.

Ngunit imbis na matuwa ako ay nabalot ng pagtataka ang buong pagkatao ko. Because I know them, hindi ka nito kikibuin unless pinagsisihan mo na ang ginawa mo at humingi ka na ng sorry sa mga ito but, I haven't apologized yet.

"U-uhm, napaaga ang uwi n'yo ni Dad?" I honestly don't know what to say.

Nakita ko silang nagtinginan ni Dad at sabay na nagtanguan at saka lumapit si Mom kay Dad.

The Runaway Dama Where stories live. Discover now