Chapter 10

30 11 16
                                    

Xaviera's Point of View

AGAD akong namangha sa tanawing nakikita ko dito sa pinuntahan namin nila kuya Cris. Napakapresko at malamig ang simoy ng hangin at mabubusog pa ang mga mata mo sa magagandang tanawin.

Nandito na kami sa mini farm na sinasabi ni kuya Cris at natutuwa ako dahil sobrang cute ng farm na ito. May mga ilang hayop ang nandito the rest ay puno pananim na.

"A-ang ganda naman po dito kuya Cris." Natutuwang sabi ko.

"Ay, huwag kang mag-alala, mas maganda ka." Biro nito sa akin kaya napatawa naman ako.

"Oo nga po ate, maganda ka po hehe bagay po kayo ni Kuya Z." Sabi naman ni cas na humawak pa sa kamay ko.

"Psst hoy, ikaw talagang bata ka, pero tama ka hehe bagay sila, ano?" Kuwelang sabi nito sa anak n'yang si Cas.

Hindi ko mapigilan ang mapahalakhak dahil kay Cris dahil sadyang nakakatuwa talaga ito magsalita.

"Eh kanino po ba itong mini farm na ito, kuya Cris?" Tanong ko dito.

"Ah, oo nga pala, kay Z din itong mini farm na 'to. Binili n'ya ang lupang 'to limang taon na ang nakalilipas at upang makabawi sa mga naitulong n'ya sa'min ay ako na ang nagprisintang tulungan s'ya dito sa maliit n'yang farm." Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito.

What?! Pati ba naman ito mini farm na 'to ay pag-aari n'ya din?!

"Grabe pala, ano? Ang daming property nitong si Z. Ano na lang kaya ang hindi nito pag-aari?" Tatangu-tangong sabi ko at lumabi pa.

"Ikaw po, ate Xav."

Agad akong napalingon sa sinabi ni Cas.

"Yiee HAHAHA bad 'yon nak ah pero apir tayo d'yan smooth 'yun ah." Natatawang sabi ni kuya Cris at nakipag-apir pa kay Cas.

The heck!

Naging balisa naman ako dahil hindi ko alam kung paano mag-reresponse sa birong iyon ng batang si Cas.

"Oh s'ya, d'yan muna kayo ng ate Xav mo ah? Magtatrabaho muna ako dito dahil isang linggo din akong hindi nakabisita dito." Pagpapaalam ni kuya Cris sa anak n'ya.

"Xav, ikaw muna ang bahala kay Cas, puwede ba? Kung gusto n'yo ay mag ikot-ikot muna kayo dito, kabisado na 'to ni Cas kaya hindi kayo maliligaw." Baling naman sa'kin ni kuya Cris.

Agad akong napatango dito at masayang hinawakan si Cas sa kamay upang hindi ito mapunta sa kung saan.

"Ate, tara! Punta po tayo doon sa bahay banda po doon!" Masiglang yaya sa'kin ni Cas at hinila pa ang kamay ko.

Natatawa naman akong sumunod dito. Halos tumakbo na ni Cas dahil sa ginagawa nitong paghila sa akin.

Hindi ko din namang mapigilang lingunin ang paligid ko kahit na hinahatak ako ni Cas. Z has a good taste kasi dito n'ya naisipang magtayo ng mini farm n'ya.

The view here is so relaxing and mesmerizing at the same time, parang siya lang.

What?!

Agad akong napailing ng mabilis dahil sa naisip kong iyon ngunit agad akong napalingon at napatigil ng makitang nadapa si Cas.

"Cas!" Mabilis kong sabi at saka lumapit dito.

"Ate huwaaa!" Atungal nito.

Agad akong nag-alala para dito kaya agad ko itong inalalayan tumayo.

"Tsk tsk." Sambit ko ng makitang may sugat ito sa tuhod at nagdurugo pa.

The Runaway Dama Where stories live. Discover now