Chapter 6

24 11 16
                                    

Xaviera's Point of View

"PLEASE, help me! I have nowhere to go, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayong gabi, puwede bang s-sa inyo muna a-ako?" Nahihiya at naluluha kong sabi dito.

I have no choice dahil ito lang ang kasama at nakita ko dito sa daan. Mukha naman itong mapagkakatiwalaang tao ito dahil bukod sa sinabi ng sales lady ay talaga ngang mayaman ito salungat sa husga ko dito sa una naming pagkikita.

Mahinang napatawa ang lalaki.

"Honestly, I don't even know why I'm helping you. Hindi mo deserve ng tulong ko." Tinignan n'ya ako ng mata sa mata habang sinasabi ang katagang iyon.

Napapahiyang tumungo naman ako. Alam ko namang may atraso ako dito pero sana naman ay umiral ang pagka-gentleman n'ya sa isang tulad kong walang mapupuntahan ngayon.

S'ya na nga ang nagsabi na delikado na ang nasa kalsada ng ganitong oras para sa mga kagaya ko tapos ang ending, pagtatabuyan n'ya din pala ako.

"I understand. Anyways, thank you for helping me when I passed out. I appreciate it.. a lot." Binigyan ko ito ng matipid na ngiti bago binuksan ang pinto ng kotse upang lumabas.

Hays, I don't know kung saan na ako pupunta. Siguro ay maghohotel na lang muna ako.

Akmang lalabas na ako ng sasakyan ng hilahin nito ang pulsuhan ko kung kaya naman ay natumba ako sa katawan nito.

Napasinghap ako sa nangyari dahil tumama ang mukha ko sa matigas nitong dibdib. Hindi n'ya ininda ang pagkakatumba ko sa dibdib n'ya samantalang ramdam na ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko.

Gosh, what's happening to me?!

"And where do you think you're going?!" Inis na tanong sa'kin nito.

"S-sa labas! M-matutulog na lang ako sa kalsada! May problem ba doon?!" Ganti ko dito.

"Kinokonsensya mo ba ako?" Salubong ang kilay na sabi nito.

"The hell. You're not going anywhere. Baka kung ano pang mangyari sa'yo sa labas, ako pa ang masisi dahil ako ang huling kasama mo." Saad nito at saka pinaandar ang kotse.

"Oh my God! Saan mo ako dadalhin?!" Gulantang na tanong ko dito.

"Sa langit." Nakangisi nitong sabi.

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko at napayakap sa sarili.

"N-no! You must be kidding me!" Singhal ko sa kanya habang nakayakap sa aking sarili.

"Tss, assuming. Hindi kita type." Sabi nito ng hindi man lang lumilingon sa akin.

Aba?!

Napahalukipkip ako sa sinabi nito at saka tinaasan ito ng kilay.

"Tch! Ang kapal mo. Akala mo naman type din kita porque guwapo ka?" Usal ko habang nakataas ang isang sulok ng labi ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

Gosh, ang guwapo talaga.

"I said, where are we going?" Pagtatanong kong muli ng hindi na ito nagsalita.

"Tagaytay." He replied.

"What? Bakit mo ako dadalhin doon?!" Gulat na tanong ko at walang anu-ano ay itinigil nito ang sasakyan.

"Matutulog ka sa kalsada o sasama ka sa'kin? Sagot, madali lang naman ako kausap." Masungit nitong sabi sa'kin at napatigil naman ako.

Nakakainis na talaga 'tong lalaking 'to. Kung may pagpipilian lang ako ay hindi ako magtitiis na makasama 'to. Sobrang sungit at sobrang nakakainis na. Akala n'ya yata ay hindi ko napapansin ang simpleng pangbabara nito sa akin mula kanina pa. Ganti n'ya na ba ito sa mga nasabi ko sa kanya?

The Runaway Dama Onde histórias criam vida. Descubra agora