Chapter 9

25 11 16
                                    

Xaviera's Point of View

PUPUNGAS-PUNGAS akong lumabas ng kuwarto ko nang makaramdam ng matinding gutom. Mas minabuti kong bumaba muna at hanapin si Lola Beling.

Naabutan ko siya na nagluluto ng almusal sa kusina.

"Good morning, Lola Beling!" Matamis na bati ko dito.

Napalingon ito sa akin at saka nagulat.

"Oh, kay aga mo yatang nagising. Saglit lang at matatapos na din itong niluluto ko. Maganda yata ang gising mo, hija? May nangyari ba?" Ngiting ngiting sabi din nito.

Walang anu-ano ay naalala ko ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Z. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa ginawa at sinabi n'yang iyon. Hindi ko alam ang trip ng lalaking iyon pero nakakainis dahil talagang nakakapanghina ang dulot nitong presensya sa'kin.

"L-lola Beling, nasaan ho si Z?" Pagtatanong ko dito.

Nagbabakasali akong tulog pa ito dahil sadyang maaga pa talaga. Kumuha ako ng tubig at saka ininom iyon.

"Aba eh, maagang umalis at may importanteng aasikasuhin sa kanyang opisina." Agad akong nasamid sa sinabi ni Lola Beling.

What?! Sa kanyang opisina?!

"Oh, ano ba naman at nasasamid ka pa?" Alalang sabi nito.

"M-may sarili hong opisina si Z?" Gulat na tanong ko dito at napatigil naman ito.

"Aba'y oo. Hindi lang sariling opisina dahil may sarili din 'yong kompanya. Kabata bata pa lang ay inaasikaso na ang iniwang negosyo sa kanya ng kanyang namayapang ama. Hindi mo ba alam iyon, hija?" Takang tanong sa'kin ni Lola Beling.

Agad akong namangha sa sinabi ni Lola Beling.

"H-hindi ho, eh." Nahihiyang sabi ko.

"Aba eh, akala ko ba ay kaibigan ka ng batang iyon? Natutuwa pa nga ako at nagdala s'ya ng babae dito dahil akala ko'y girlfriend ka n'ya dahil wala naman itong kaibigan na babae." Pagkukwenti ni Lola Beling.

Naging interesado pa akong malaman ang lahat ng tungkol kay Z kung kaya ay mas pinili kong makipagkuwentuhan kay Lola Beling dahil tiyak akong marami s'yang nalalaman dito.

"Sa t-totoo lang ho kasi n'yan, a-aksidente lang ho ang pagkikita namin ni Z at t-tinulungan n'ya lang ho ako." Nakatungong sabi ko habang pinagtuunan ng tingin ang basong hawak ko.

"Aba'y ganoon ba?! Wala talaga akong masabi sa batang iyon. Kahit sino yata ay tutulungan n'ya kung nanaisin n'ya." Iiling-iling na sambit ni Lola Beling.

Naglakad ito papunta sa akin at inilatag sa lamesa ang mga pagkaing niluto n'ya.

"Oh, kumain ka na at alam kong kumakalam na 'yang sikmura mo." Sambit ni Lola Beling na pinaghanda nanaman ako ng plato.

Agad nanaman akong napangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganitong inaasikaso ka at kinukwentuhan ka.

"Lola, sabayan n'yo na ho ako hehe. M-marami din ho akong itatanong sa inyo." Nahihiyang tugon ko dito.

Sumilay ang mumuting ngiti sa labi nito. Tita nanunudyo.

"Aba'y sige." Ngiting ngiting sabi nito at saka umupo sa harap ko.

"A-ano ho bang ibig sabihin n'yo? Sino ho ba talaga si Z? Kaanu-ano n'yo ho din ba s'ya?" Walang prenong pagtatanong ko dito.

Tumitig sa akin si Lola Beling bago nagsalita.

The Runaway Dama Where stories live. Discover now