Chapter 11

35 11 17
                                    

Xaviera's Point of View

"I HEARD THAT."

Nakagat ko ang sariling labi dahil sa pagkabigla.

"Hi, kuya Z! Sabi po ni ate Xav, ayaw n'ya daw po kayo maging asawa tapos ibabaon n'ya daw po kayo sa lupa." Ani Cas na patakbong lumapit kay Z at saka yumakap.

Cas, bakit ka naman kasi ganyan? Pinapahamak mo ako, eh! Huhu.

Napatayo agad ako ng tuwid at inayos ang damit ko.

"Tss, who said that I want her to be my wife also?"
Nakangising sabi nito sa akin.

Napatingin naman ako dito at bakas sa mukha nito ang pang-aasar.

The heck! Ang yabang talaga nito!

Dahil sa pagkainis ay naglakad ako patungo sa pinto at saka binangga ang braso nito bago lumabas ng farm house.

Nagpasya akong pumunta na lamang doon sa kinaroroonan ni kuya Cris dahil may bench naman doon.

Nang makarating ako doon ay nakakunot ang noo na umupo ako sa bench na malapit sa pinagtataniman ni kuya Cris at saka humalukipkip.

"Oh, nariyan ka na pala, nasaan si Cas tsaka bakit nakasimangot ka?" Natatawang tanong ni kuya Cris nang makita ako.

"That annoying Z is here, kasama s'ya ni Cas, kuya." Nakairap kong sabi dito.

"Oh? Aba eh, bakit nandito si Z? Maaga pa ah, alam ko madami s'yang gagawin sa office n'ya." Nagtatakang sabi ni kuya Cris at itinigil ang ginagawa n'ya.

"Papa!"

Sabay kaming napalingon ni kuya Cris kay Cas na ngayon ay buhat buhat ni Z papunta dito sa kinaroroonan namin.

"Z, bakit umuwi ka?" Tanong ni kuya Cris kay Z.

"I cancelled all my meetings because I have important things to do." Sabi nito at saka ibinaba na si Cas.

Kahit na naiinis ako dito ay hindi ko mapigilang tignan ito dahin kapansin-pansin pa din ang kaguwapuhan nito kahit na nakabilad ito sa araw at natatamaan ng sinag ng araw ang kalahati ng mukha nito.

Nakita kong nagpalit na din ito ng damit dahil naka business attire ito kanina at naka white t-shirt na ito ngayon na pinatungan ng brown denim jacket.

Hindi ko alam kung mainit ba talagang dito o hot lang talaga 'tong mokong na 'to

Damn! What am I thinking?!

"Ganoon ba? Dumaan ka ba sa bahay kanina, Z?" Tanong sa kanya ni kuya Cris.

"No, dumeretso na agad ako dito." Sagot naman nito.

Psh! Bakit naman?!

Nakita kong napatangu-tango si kuya Cris at saka bumalik sa ginagawa n'ya.

"Papa, may sugat po ako." Ani Cas sa ama nang lumapit ito kay kuya Cris.

Agad namang tinignan ni kuya Cris ang tuhod ni Cas kung kaya ay pinagmasdan ko silang dalawa. Nang nalulunod na ako sa eksena ng mag-ama ay may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Alam mong pupunta ka sa farm tapos nag-dress ka?"

Panira talaga 'to!

Napatigil ako at napalingon uli sa mokong na nagsalita. Tumayo ako at napabuntong hininga bago ko s'ya tinaasan ng kilay.

"And what the hell is wrong to my clothes?" Mataray kong sabi dito.

Hindi ito sumagot at tinignan ako ng para bang hindi ito makapaniwala. Umiling-iling ito at walang anu ano ay hinatak nito ang braso ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Runaway Dama Where stories live. Discover now